Wednesday , September 30 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Rider lasog sa cargo truck

Rider lasog sa cargo truck

DUROG ang katawan at ulo ng 38-anyos rider matapos  salpukin at pumailalim sa rumaragasang cargo truck kamalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Dead on the spot  ang biktimang si Rolando Calopez, ng Ilang-Ilang Street, Brgy. Bangcal, Meycaua-yan, Bulacan.

Agad sumuko ang suspek na si Manuel Besona, 56-anyos, ng Iba, Meycauayan, Bulacan, driver ng truck (CBK-102) na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

Sa ulat ng pulisya, dakong 10:30 ng gabi kama-kalawa nang maganap ang insidente sa kahabaan ng McArthur Highway, Brgy. Dalandandan ng lungsod.

Nabatid na sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima at huminto ito dahil ina-butan ng red light ngunit hindi nakita ang paparating na truck  na nawalan umano ng preno at tuloy-tuloy na inararo ang nakahintong biktima.Tumilapon ng ilang metro ang biktima at nagulungan pa ng truck  na na-ging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

(ROMMEL SALES)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top