Friday , September 18 2020
Breaking News
You are here: Home / News / ‘Not guilty plea’ ipinasok ng korte para kay Napoles

‘Not guilty plea’ ipinasok ng korte para kay Napoles

NAGPASOK ang Makati City Regional Trial Court (RTC) Branch 150 ng “not guilty” para kay Janet Lim-Napoles kaugnay sa kinakaharap na kasong illegal detention.

Isinagawa ito makaraang tumangging magsalita si Napoles sa arraignment ng kaso sa sala ni Judge Elmo Alameda.

Naging mahigpit ang seguridad na ipinatupad sa loob at labas ng korte para sa pagbasa ng sakdal kay Napoles na ibiniyahe ng pulisya mula sa kanyang kulungan sa Fort Sto. Domingo, Sta. Rosa, Laguna.

Ayon kay PNP spokesman S/Supt. Reuben Theodore Sindac, umaabot sa mahigit 100 pulis ang ipinakalat para sa seguridad ng negosyante sa kanyang pagbiyahe mula Laguna hanggang Makati City at pabalik.

(HNT)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top