Monday , September 28 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Nagpabawas ng bituka, kaya pumayat si Sen. Jinggoy Estrada?

Nagpabawas ng bituka, kaya pumayat si Sen. Jinggoy Estrada?

KAPAG mahaba ang bituka ng isang tao, mas malakas kumain. Mas mabilis tumaba. Hindi mo naman mapipigil ang  kumain lalo’t masasarap at lagi kang nasa big gatherings. From reliable sources, ang tinatawag na “sexy” sa  Janet Lim Napoles scam na si Sen. Jinggoy Estrada ay tunay na nagpaseksi dahil hindi na maganda ang porma ng kanyang pangangatawan lalo’t hindi naman siya katangkaran.  Lihim umano siyang nagpa-confine sa ospital at nagpabawas ng bituka.  ‘Yun ang paraan para maging slimmer si Jinggoy. At dahil sa operasyon, nilagyan siya ng ‘colostomy bag’ sa tiyan kung saan siya dumudumi temporarily. Ngayon ay naging pogi pa si Jinggoy at hindi nahuhuli sa porma ni Sen. Bong Revilla.

***

Last Sept. 20, pagkatapos kong mag-taping sa “Showbiz Police,”nagpahatid ako sa sasakyan ng TV5 sa A Venue sa Makati Avenue para makadalo sa presscon ng Star  Records at launching ng kanilang new recording artist na si Marion Aunor, anak ng former young star na si Maribel ‘Lala’ Aunor, na pinsang buo ni Nora Aunor. I’m happy to see some members of the press na naroroon dahil bihira na nga akong makadalo sa mga ganoong pagtitipon dahil sa aking health condition. Happy din ako talking to Maribel and I mentioned to her na iginawa ko pa nga sila ng 1977 calendar ng ‘Apat Na Sikat’with Arnold Gamboa, Dondon Nakar and Winnie Santos. Hindi ko na rin nasimulan ang presscon kung kaya’t hindi ko nakausap pa si Marion. Maaga akong umuwi dahil medyo nanghihina ang beauty ko.

***

Isa sa dalawang malaking charity shows na inihahanda para sa kolumnistang ito ay gaganapin sa Oct. 27 sa Baga Berde, Macapagal Avenue.  Ito ay pinamamahalaan ni Aldine Lorenzana na nais makatulong sa amin for some reasons. Damang-dama ko naman ang sinseridad ni Aldine na bihasa na rin sa mga shows dahil isa rin siyang performer at kilala sa industriya. Isang katerbang bituin ang dadalo sa said event lalo na ‘yung mga naging bahagi ng buhay ko. “Friend” ang title ng pagtatanghal. The other fund raising show naman ay sa Dec. 11 sa Teatrino Greenhills na tatampukan ng veteran performers of A-1 caliber.  Saka ko na ihahayag ang detalye.

***

Anytime this week ay nakatakdang dumalaw sa amin si Lorna Tolentino.  Halos magkaharap lang kami ng bahay ngunit busy talaga si LT. Nagpasabi siya sa anak na si Renz na tatawid siya sa aming tahanan para makita at madalaw ang matagal na niyang kaibigan.  Alam ba ninyong 1970s ko pa sila kaibigan ni Rudy Fernandez?  Si Rudy noong 1970 mismo while si LT ay noong 1976 nang nakatira pa lamang siya sa Penafrancia Street, Pandacan.  Bagets pa si LT noon. 1980 nang naging sila ni Rudy.  At bukod kina Susan Roces at FPJ, naging malapit sa puso ko sina Daboy at LT.  In time of needs and sorrows, andiyan sila at handang dumamay. Tunay na mga kaibigan. By the way, si Rap Rap Fernandez na pala ang gaganap bilang Rudy sa fillmbio nito.

***

Napakabait na apo ni Carla Abellana. Kuwento sa amin ng lola niyang superstar noong early ‘50s na si Delia Razon, si Carla na raw ang nakatutulong sa kanya ngayon gaya sa pambayad sa Mercalso and water bills bukod pa sa groceries. Sa Hilltop St., Horseshoe Village lumaki si Carla sa poder ng lola. Lagi kaming nagkakasama ni Delia sa iba’t ibang okasyon.  Recently ay nagbigay ng luncheon si Pempe Oreta para sa kolumnistang ito na dumalo sina BootsAnson Roa, Delia at Pilita Corrales.  Naikuwento ni Pilita na hindi raw siya nagpapa-check sa ospital. Natatakot siyang malaman kung ano and findings sa kanya.

Chito Alcid

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top