Saturday , April 20 2024

Gilas isasabak din sa Asian Games

BALAK ng  MVP Sports Foundation na isali ang Gilas Pilipinas sa Asian Games na gagawin sa Incheon, South Korea, sa susunod na taon.

Sinabi ng pangulo ng foundation na si Al Panlilio na sasali ang Gilas sa Asian Games pagkatapos ng kampanya nito sa FIBA World Cup sa Espanya.

“We are focusing our resources on both these tournaments,” wika ni Panlilio na panay ang komunikasyon nila sa Samahang Basketbol ng Pilipinas sa pangunguna ng pangulo nitong si Manny V. Pangilinan.

“Marami na kaming pinaggagastusan eh. As a company, andami na naming tinutulungan. We take care of teams not just in the PBA, but also in the collegiate league. The FIBA World Cup is a long program and our aim there is to win and make it to the top 16. Hindi kami magiging turista lang doon.”

Sa huling Asian Games sa Guangzhou, Tsina noong 2010, tumapos ang Gilas sa ika-anim na puwesto.

Hindi pa nanalo ang Pilipinas ng ginto sa men’s basketball sa Asian Games mula pa noong 1962.

Samantala, lilipad si Panlilio sa Iran bukas upang suportahan ang RP team na kasama sa FIBA Asia Under-16 championships.         (James Ty III)

About hataw tabloid

Check Also

NYBL Butz Arimado TOPS PSC

NYBL Inter-Cities lalarga sa Mayo 4

ISASAGAWA ng National Youth Basketball League (NYBL) ang 2nd Inter-Cities and Municipalities basketball championship  sa …

Philippine athletics TOPS PSC

Philippine athletics meet tatakbo na

Manila — Inilalagay ng Philippine Athletics Track and Field Association ang kanilang pinakamahuhusay na atleta …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

MILO 60th Anniversary

 MILO Philippines kicks off 60TH year celebration;  underpins commitment to grassroots sports development

15 April 2024 | Manila, Philippines – In a celebration event to mark its 60th …

Sambo PH team TOPS Paolo Tancontian Ace Larida

Sambo PH team potensiyal sa int’l arena

KUNG medalyang ginto ang nais ng sambayanan mula sa contact sports, ibilang ang Sambo sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *