Tuesday , September 29 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Etits ng magsasaka sinakmal ng kabayo

Etits ng magsasaka sinakmal ng kabayo

DAVAO CITY – Namemeligrong tuluyang maputulan ng ari ang isang magsasaka matapos sakmalin ng kabayo ang kanyang sex organ sa Brgy. Manuel Peralta, bayan ng Malita, Davao del Sur.

Kinilala ang biktimang si alyas Roldan, 19, patuloy na ginagamot sa Southern Philippines Medical Center (SPMC).

Una rito, nakasakay sa kanyang kabayo ang biktima dakong 2:30 p.m. kamakalawa at bababa na sana sa kanyang alaga nang biglang puntiryahin ng hayop ang kanyang ari.

Sinasabing sa bandang puno ng ari ng biktima kumagat ang kabayo kaya namaga nang husto at ngayon ay sinlaki na ng kamao.

Ayon sa mga doktor, posibleng putulin ang ari ng biktima dahil ito ay na-impeksiyon.

Bagong kasal lamang si Roldan at buntis ang kanyang buntis.    (HNT)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top