Friday , September 25 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Aktres, muntik nang mamatay sa pinakasalang lalaki; Aktres, nakipag-one-night-stand sa isang gambling lord

Aktres, muntik nang mamatay sa pinakasalang lalaki; Aktres, nakipag-one-night-stand sa isang gambling lord

MALA-DRAMEDY (drama-comedy) para sa amin ang firsthand  account na mismong itsinika ng pangunahing karakter na sangkot sa kuwentong ito.

Mismong araw ‘yon ng kanyang pag-iisandibdib sa kanyang nobyo of more than a year. Sa hiling na rin kasi ng boylet kung kaya’t napapayag ang ating bida sa itinakdang kasalan sa labas ng bansa, famous for its world-class entertainment with matching casino.

Alas-kuwatro ng hapon ang scheduled wedding, but while the bride-to-be thought that there wouldn’t be any hassle sa kanyang altar date ay ikinaloka niya ang insidenteng naganap sa kanila ng kanyang dyowaala-una ng madaling araw that same day.

Hindi na rin kasi bago ang noon pa pala’y pisikal na pag-aaway nila, something that our bida had managed to keep under the rug sa pag-asang titino ang kanyang dyowa kapag naikasal na sila.

Sana’y walang halong exaggeration ang tsika ng ating bida, pero sa matinding pag-aaway nila ng kanyang pakakasalan in the wee hours of the morning—ayon sa kanya—tinakpan daw ng unan ng kanyang groom-to-be ang kanyang mukha.

Despite the fight, natuloy Din ang kasal. Ay, ang cheap! (Ronnie Carrasco III)

Aktres, nakipag-one-night-stand sa isang gambling lord

PAANO kayang ipaliliwanag ng isang female star ang balitang nakipag-one night stand siya sa isang kilalang gambling lord at binayaran siya noon ng P300,000?

Kaya nga ngayon ang asawa niyang actor ay sinasabing naglalakad na may sunong na kung ano sa kanyang ulo. Torotot.

(Ed de Leon)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top