Wednesday , November 25 2020
Breaking News
You are here: Home / News / 43 babae, 6 bugaw dinampot sa 2 bar

43 babae, 6 bugaw dinampot sa 2 bar

CEBU CITY – Nasagip ng mga awtoridad ang 43 kababaihan, kabilang ang 14 dalagita sa operasyon ng Regional Anti-Human Trafficking Task Force (RATFF-7) sa dalawang bar sa General Maxilom Avenue, lungsod ng Cebu.

Kasabay nito, naaresto rin ang anim bugaw matapos tumanggap ng P3,000 marked money galing sa isang pulis na nagpanggap na costumer.

Ang nasabing operasyon ay pinangunahan nina RATTF chief Ma. Theresa Macatangay at Deputy Insp. Sheryl Bautista kasama ang mga kinatawan ng International Justice Mission (IJM), Department of Social Welfare and Development (DSWD-7) at Regional Intelligence Division (RID).

(BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top