Tuesday , September 23 2025

St. Benilde vs. San Sebastian

PAGLAYO sa mga naghahabol at pagpapatatag ng kapit sa ikaapat na puwesto ang pakay ng San Sebastan Stags sa pagkikita nila ng host College of Saint Benilde Blazers sa  89th National Collegiate Athletic Association (NCAA) men’s basketball tournament mamayang 4 pm sa The Arena sa San Juan.

Sa ikalawang senior division game sa ganap na 6 pm ay pilit pa ring sisilaban ng Jose Rizal Heavy Bombers at Arellano University Chiefs ang tsansa nilang makarating sa Final Four.

Sa kabila ng hindi paglalaro nina Jamil Ortuoste, Vradwyn Guinto at  Deodanie de Vera ay nagawa ng Stags na magwagi laban sa Lyceum Pirates noong Huwebes para sa 8-5 record. Dalawang panalo ang lamang nila kontra sa pumapanglimang Emilio Aguinaldo College Generals na may 6-7.

Sa kanilang unang pagkikita ay tinalo ng Stags ang Blazers, 80-78 noong Hulyo 13.

Inaasahang magbabalik ang tatlong prized rookies ni coach Topex Robinson mamaya upang mapalalim ang bench ng SSC kontra sa St. Benilde na mayroong 5-8 record at katiting na tsansang makasingit sa Final Four.

Ang iba pang inaasahan ni Robinson ay sina CJay Perez,  Ranimark Tano, at Jovit dela Cruz.

Ang Blazers ay pinangungunahan ng PBA D-League veteran na si Paolo Taha kasama nina team captain Mark Romero, Luis Sinco at Fons Saavedra.

Ang Heavy Bombers ay nasa ikaanim na puwesto at may 5-7 karta. Manipis na rin ang tsansa ng JRU na umabot sa Final Four subalit naniniwala pa si coach Vergel Meneses na puwede pa silang makahabol kung mawawalis nila ang nalalabing anim na games.

Disappointing naman ang performance ng Arellano na isa sa pre-tournament favorites. Ang Chiefs ay nalugmok sa ikasiyam na puwesto at may apat na panalo sa 13 laro.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Cayetano Bryan Bagunas Alas Pilipinas FIBV

Cayetano pinuri ang Alas Pilipinas sa pag-akyat sa ika-19 puwesto sa FIVB world championship

PINURI ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang men’s volleyball team ng Pilipinas, ang …

FIBV Poland Canada

FIVB Volleyball Men’s World Championship
Poland tinalo ang Canada para umusad sa quarterfinals

UMARANGKADA ang Poland patungo sa susunod na round sa pagpapatuloy ng kanilang “redemption tour” Ipinakita …

Tats Suzara Pato Gregorio PSC PNVF Alas Pilipinas

Alas Pilipinas, Nagbigay ng Karangalan sa Bansa, Humahanga ang Mundo

NAGBIGAY ng hamon si Ramon “Tats” Suzara, pangulo ng Philippine National Volleyball Federation, sa mga …

Alas Pilipinas FIBV

Alas Pilipinas, inukit ang pamana ng puso sa kabila ng pagkatalo

NAGTAPOS ang kwento ng Alas Pilipinas sa kauna-unahan nitong paglahok sa World Championship nitong Huwebes …

Philippine Mind Sports Association PMSA Anne Bernadette AB Bonita

Pinoy Henyo, mapapalaban sa Int’l Memory Championships

HANDA at kumpiyansa ang Philippine Memory Team na magiging ispesyal ang kampanya sa kanilang pagsabak …