Sunday , November 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kapuso young actors isa-isa nang gumagawa ng pelikula sa Star Cinema (Flop kasi ang mga pelikula sa GMA Films!)

Kapuso young actors isa-isa nang gumagawa ng pelikula sa Star Cinema (Flop kasi ang mga pelikula sa GMA Films!)

MAJORITY ng mga film na produced ng GMA Films ay flopsina. Kaya nga nasira ‘yung plano ni Atty. Felipe Gozon na buwan-buwan ay gagawa sila ng pelikula. Hindi ba’t ilang months na silang walang movie na ipinalalabas sa sinehan kasi nga pahinga na muna ang movie outfit ng Kapuso sa paggawa nito dahil ‘di naman bumabalik ang puhunan. So, ano na ang mangyayari sa mga artista nila? Mabuti na lang at naisip ni Dingdong Dantes na mag-try gumawa ng pelikula sa Star Cinema at dahil kumita ang mga project niya sa nasabing number one movie outfit ng bansa hayan may bago na namang project ang actor.

Malapit nang ipalabas ang “She’s The One” nila ni Bea Alonzo kasama si Enrique Gil. Ngayon, isa na naman Kapuso actor ang nakikipagnegosasyon sa Star Cinema at ‘yan ay si Dennis Trillo na gusto naman makatambal si Angel Locsin. Well, masyadong busy ngayon si Angel kaya baka sa iba na raw ipa-partner si Dennis. Well, ‘di malayong in the future ay gumawa rin sa Star Cinema sina Richard Gutierrez, Aljur Abrenica at Alden Richards. With Star kasi bukod sa maganda ang pelikula mo ay may assurance pa na kikita rin ito.

Agree na agree gyud!

PAGKAMATAY NI MAMANG CONCHITA (DIVINA VALENCIA) SA BE CAREFUL WITH MY HEART NASA ISTORYA

Minsan di rin nakatutuwa ang mga pinagagawa ng ilan sa social media. Pati ba naman kasi ang character ni Divina Valencia bilang Mamang Conchita na lola ng pangunahing bida na si Maya (Jodi Sta. Maria) sa “Be Careful with My Heart” na patay na ay binigyan nila ng ibang kulay. Na sinadya raw talaga ng production team ng nasabing Morning kilig-serye na patayin si Mamang Conchita dahil kailangan na siya sa bagong serye ni Andi Eigenmann na “Galema.” Hindi muna kasi nila inaalam ang totoong facts bago sila mag-post ng kanilang news sa kani-kanilang mga website. Unang-una, talagang hanggang doon na lang ang character ni tita Divina sa serye at nasa script ‘yun. Hindi ba’t ipinakita naman ang mga eksenang nagpa-check up siya sa doctor at doon ay nalaman na may hypertension siya kaya nanakit ang ulo. Na isang araw ay hindi na gumising si Mamang Conchita at namaalam na pala sa mundo. Apektado nga ang mga manononood ng “Be Careful …” pero naiintindihan naman nila na ganyan naman talaga ang nangyayari sa teleserye man o tunay na buhay. Well, isa lang ang ibig sabihin kaya iniintriga ang serye nina Maya at Ser Chief (Richard Yap) ay dahil consistent sila sa mataas nilang ratings at hanggang ngayon ay sila pa rin ang itinuturing na No.1 Daytime Show In The Philippines. Nababawasan ang pagluluksa at kalungkutan ni Maya dahil laging nakasuporta ang kanyang ang boyfriend si Ser Chief at mga anak na sina Luke (Jerome Ponce), Nikki (Janella Salvador) at Abby (Mutya Orquia) at mga dating kasamahang maids at si Manang Fe (Gloria Sevilla). S’yempre nariyan rin ang nanay Teresita ni Maya na si Sylvia Sanchez at kapatid na si Kute (Aiza Seguerra) at anak na si Pocho. Dahil sa pagyao ni Mamang Conchita at bilang respeto sa matanda ay pinatigil muna nina Maya at Ser Chief ang lahat ng detalye sa kanilang kasal. Pero s’yempre matutuloy rin ito in the near future at ‘yan ang hwag ninyong palalampasin. Mapapanood ang “Be Careful With my Heart” Mondays to Fridays sa ABS-CBN 2 after “Minute To Win It” hosted by Luis Manzano at tuwing 10 a.m. naman ang “Sabado Rewind.”

KAKALOGAN NI WALLY BAYOLA NAMI-MISS NA SA MGA BARANGAY

Sa tagal ng panahon na laging nakikita sa iba’t ibang Barangay sa loob at labas ng Metro Manila si Wally Bayola at kilala na sila bilang partners ni Jose Manalo. ‘Di natin masisi ang mga Dabarkads kung ma-miss na nila ang mahusay na komedyanteng host. Yes, we heard na laging kinukulit si Jose ng mga tao kung kailan babalik si Wally sa Eat Bulaga. Marami kasi talaga ang mga naaaliw kay Wally lalo na kapag nagbakla-baklaan siya sa public service segment nila na sugod-bahay sa Barangay. Ibang klase ang kakalogan niya, talagang matatawa ka at ‘di mo siya pagsasawaan. Well, habang wala si Wally ay nand’yan naman sina Jose, Paolo Ballesteros at Ruby Rodriguez para maghatid ng malalaking Papremyo sa “Juan For All, All For Juan” na halos lahat ng mga residente ng Barangay ang pwedeng manalo rito ng Suzuki GD 110 mula sa Motortrade, brand new cellphone na O+Phone 7.8 Android, grocery items, bigas, gift pack plus cash bonus, passbook (with initial deposit), ATM at P35K to P45K na bigay ng Eat Bulaga para ipuhunan sa negosyo.

Peter Ledesma

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top