Friday , September 18 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Fans ni Anne, naghihimutok sa ‘di pagkasama ng aktres sa World’s 15 Most Followed Asian Female Celebrities on Twitter

Fans ni Anne, naghihimutok sa ‘di pagkasama ng aktres sa World’s 15 Most Followed Asian Female Celebrities on Twitter

GALIT NA GALIT ang fans ni Anne Curtis nang makita nilang wala sa World’s 15 Most Followed Asian Female Celebrities on Twitter list ang name ng aktres sa isang magazine.

Nakatatawa nga naman dahil si Anne ang may pinakamaraming Twitter followers but she didn’t make it to the list. Ang mga pasok sa listahan ay sina Angel Locsin (10), Angelica Panganiban (11), at Cristine Reyes (14).

“Na insecure lang ang publisher Kay Anne Kasi DYOSA ang level nya,” himutok ng isang fan ni Anne.

“Wala c Anne e xa ang may piñaka madami sa pilipinas,” gulat na gulat na reaction ng isa pang supporter ng dalaga.

“Dont wory guys nakasali naman si anne sa world most followed celebrity dba? kung hnd ako nagkakamali. kaya hayaan na lang natin kung hindi nasali si idol. tsk. tsk. tsk. kasi pang JeLo ang level nya,” pakonsuwelo naman ng isa.

“Pang world most followed celebrity kc sha hindi pang asian lng s pag kaka alam ko sha yung pinaka maraming follower s twitter sa pinas,” say naman ng isa pang maka-Anne.

Alex Brosas

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top