Thursday , December 3 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sir Chief, walang pressure na maikompara sa ibang singers (Sa paglabas ng kanyang solo debut album)

Sir Chief, walang pressure na maikompara sa ibang singers (Sa paglabas ng kanyang solo debut album)

NAG-LEVEL-UP na bilang singer ang ‘Ser Chief ng Bayan’ na si Richard Yap!

Mula sa pagiging bahagi ng best-selling official album ng kanilang hit kilig-seryeng Be Careful With My Heart, ngayon ay may solo debut album na si Richard sa ilalim ng produksiyon ng Star Records.

“Dream come true para sa akin itong launch ng solo album ko. Mula kasi pagkabata, hilig ko na talagang kumanta,” kuwento ni Richard. “At thankful ako sa aming teleserye dahil sa pamamagitan ng aming official soundtrack, na-discover ng tao na marunong din akong kumanta.”

Ayon kay Richard, maihahalintulad niya ang kanyang unang album sa  Be Careful dahil puno ito ng feel-good at easy listening tracks.

“Pasok dito ang lahat ng genres. May pop, ballad, at alternative. Hindi lamang sila para sa music fans na ka-age group ko kundi maging sa teens at in-betweens.

“Nakapaka-espesyal sa akin nitong album kasi pinagpaguran namin ito para masigurong sulit ito para sa mga tao. Sana, tulad ko, ay magustuhan siya ng lahat ng aming supporters,” say ni Sir Chief.

Para kay Richard na lumaki sa musika ng Queen, Barry Manilow, Kenny Rogers, Hall and Oates, Phil Collins, at Mike Francis, wala siyang nararamdamang pressure sa posibilidad na maikompara siya sa iba pang mahuhusay na singers sa bansa. “Sa palagay ko hindi naman kailangang magkompara dahil magkakaiba naman ang musical choices at target audiences ng singers,” paliwanag niya.

Tampok sa solo debut album ni Richard ang revivals ng Don’t Know What To Do, Don’t Know What To Say, Promise Ain’t Enough,  Think I’m In Love Again, Can Find No Reason, You Take My Breath Away, Chasing Cars, High, Afterglow, at ang Chinese version ng  Oh Babe. Bahagi rin ng album ang bonus tracks na Please Be Careful With My Heart at Salamat.

Sa ilalim ng produksyon ng Star Records, ang first album ni Richard ay mabibili na sa record bars nationwide sa halagang P250 lamang. Maaari na ring ma-download sa Internet ang tracks ng album ni Ser Chief  Mag- log on lang sa iTunes, Amazon.com atMyMusicStore.com.ph.

Rosanna, magsasalita sa Showbiz Police v.s. GMA

LIVE guest ng Showbiz Police ngayong hapon si Rosanna Roces at curious kami kung ano ang takbo ng interbyuhan nila ni ‘Nay Cristy Fermin tungkol sa pagkatalo niya sa kaso sa GMA-7 na pinagbabayad siya ng P2-M para sa breach of contract.

Nabanggit ni Osang na maski raw pitpitin siya ay wala siyang P2-M na ipambabayad sa GMA at nanawagan pa nga siya sa lolo ng apo niyang si Gab na si Senator Bong Revilla, Jr. na pautangin siya.

Kasalukuyang nasa hot seat ngayon si Senator Bong dahil sa pork barrel scam, nakikigulo pa itong si Osang.

Hindi kami sinagot ng taga-Showbiz Police kung ano ang mga pinagsasabi ni Rosanna sa interbyu, pero tiniyak sa amin na hindi sila masisita ng MTRCB.

Atty. Kapunan, haharap sa The Bottomline With Boy Abunda

BUONG tapang na haharap sa The Pork Barrel Interviews special sa The Bottomline With Boy Abunda ngayong gabi (Setyembre 21) si Atty. Lorna Kapunan, ang legal counsel ng umano’y mastermind ng P10-B pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles.

Bubuwelta si Kapunan sa kontrobersiyal na testimonya ng whistleblower na si Benhur Luy sa Senate Blue Ribbon Committee hearing kaugnay ng umanoy illegal na paggamit ng priority development assistance fund (PDAF) o pork barrel.

Alamin kung ano-ano sa mga pahayag ni Luy ang pawang kasinungalingan? Handa na ba si Napoles na humarap at tumestigo sa Senado? Sa huli, naniniwala ba si Atty. Kapunan na ilalantad ni Napoles sa sambayanan ang buong katotohanan?

Makialam sa mga usaping panlipunan at huwag palampasin ang ikalawang linggo ng The Pork Barrel Interviews special ng 2013 USTv Awards Best Public Affairs Talk Show na The Bottomline With Boy Abunda ngayong gabi, 11:30 p.m. pagkatapos ng Banana Split. At para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top