Tuesday , September 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sarah, napipikon daw sa mga komento ng kapwa coach

Sarah, napipikon daw sa mga komento ng kapwa coach

SAMANTALA, nakapagpahayag naman pala ng saloobin niya ang isa sa mga coach sa tinututukang singing reality show sa ABS-CBN na The Voice Philippines na si Sarah Geronimo.

Umamin ito sa ilang mga nakausap niyang press na totoo palang nasasaktan siya sa mga komentong inaabot niya mula sa mga kapwa niya coaches gaya ni Apl. d. Ap, Bamboo, at Lea Salonga.

Actually, noong nagsisimula pa lang ang nasabing palabas, mahahalata mo talaga na kapag may komento o biro sa kanya ang mga kasama niya, halatang napipikon si Sarah. But as the days went on, nasakyan na niya ang karakter ng mga kasama niyang coach.

Ngayong papalapit na ang pagpili (sa September 29) sa kauna-unahang  The Voice na mananalo ng P2-M, inaabangan na rin kung kaninong Team magmumula ang winner.

Nagkaroon ng chance ang press na makilala up close ang walong finalists. At may kanya-kanya na ring bets ang mga ito.

Sa mga beterano, kilala na sina Mitoy at Radha dahil noon pa man eh, mga musikero na sila. Kaya nga ang intriga kay Mitoy eh, baka naman siya ang piliin dahil manager niya ang Resorts World people. Kay Radha naman, baka marami rin daw itong backer na gaya ni Thor na ang mga taga-ASAP naman ang supporters.

Pero nagkakaisa naman ang lahat ng talents sa pagsasabing kahit pa nga may text at online votes, alam nila na ang tatanghaling panalo eh, ‘yun ding gustong iboto ng mga tao dahil sa taglay nilang talento!

Marian at Angel, napapagod na sa pagkokompara sa kanila

SA pagtapak ni Marian Rivera sa ABS-CBN para sa mga bagay na may kinalaman sa Kung Fu Divas nila ni Ai Ai delas Alas, mukhang ito na rin ang maghuhudyat para ang mga ‘alitan’ na inilalagay sa kanya at iba pang mga Kapamilya gaya ni Angel Locsin eh ay tuluyan nang matuldukan.

Ngayon, nagsasalita na si Angel na wala na ngang dapat na maging issue sa kanila ng Reyna ni Dingdong Dantes. At ‘yun pala ang nangyari nang magkasama sila sa pictorial para sa isang sosyal na magazine. She broke the ice kaya nakapag-usap at nakapag-kuwentuhan na sila ni Marian.

Natanong nga si Angel kung payag ba siyang magkaroon o magsama sila sa isang proyekto ni Marian.

“Wala namang problema dahil trabaho ‘yun. Kaya lang, kung gagawin ito para lang mahaluan ng issues ang project para ito mai-promote, huwag na lang kasi, sayang naman ang performance namin. At ng mga makakasama namin sa project. Na ang magiging focus eh, ‘yun lalo pa kaming pag-awayin. Am sure, that will come in time. Sa tama at naaayong panahon. Basta kaming dalawa, wala kaming problema. Maski siya rin, sinabi niya na napagod na siya ng kaka-kompara sa amin. Totoo naman.

“Kaya, kahit naman wala kaming away, naging aloof na lang kami sa isa’t isa. Kapag may lumait na fan niya sa akin, mayroon ding manlalait na fan ko sa kanya. Kaya, ang hirap and hindi naman kami ang nagsimula, ‘di ba? Maganda na ngayon ‘yung mga ganitong nangyayari—na sa ibang projects, nawawala ‘yung Kapamilya ako o Kapuso siya—basta ‘yung maayos kaming napapagsama-sama.

“Gusto ko siya. Kasi, funny. At down-to-earth.”

Nash, nagpaka-bading mapalapit lang sa kanyang love

NAKU, my editor (Maricris)! Matutuwa your doter dahil si Nash Aguas at si Alexa Ilacad ang mga bida sa episode ng MMK (Maalaala Mo Kaya) ngayong Sabado, September 21, 2013.

Tungkol sa young love ito na dahil lang sa takot na ma-reject siya, nagpanggap na bading ang karakter ni Nash na Jomer para mapalapit sa gusto niyang ligawang si Alexa sa Jane.

Magbibigay ng todo-kilig ang mga Goin’ Bulilit child stars na siya ngayong magka-love team sa Luv U sa kanilang mga tagahanga.

Joining Nash and Alexa are Jennifer Mendoza, Ian de Leon, Khaycee Aboloc, Francis Magundayao, Larah Claire Sabroso, at Ogie Escanilla. Sa saliksik ni Agatha Lee Ruadap, iskrip ni Jaymar Castro at direksiyon ni Raz dela Torre.

Pilar Mateo

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top