Thursday , December 3 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Krista, excited makatrabaho si Sharon

Krista, excited makatrabaho si Sharon

CONTRACT star na ng TV5 ang sexy star na na-link dati kay Cesar Montano, si Krista Miller.

Sa pakikipag-usap namin sa kanya sa Cuneta Astrodome noong Linggo, kinompirma ni Krista na kasama na siya sa cast ng bagong daily sitcom ni Megastar Sharon Cuneta na Madam Chairman.

“Magandang opportunity sa akin na makasama ko si Ate Sharon,” wika ni Krista. ”Actually, nag-taping na kami for the show at sa October na ito magsisimula.”

Bukod sa kanyang bagong show sa TV5, nag-su-shooting ngayon si Krista ng indie film na may pamagat na Kandong kasama si Mara Lopez na nakasama na niya sa pictorial para sa isang sexy magazine.

Naging guest sa ilang shows ng TV5 si Krista tulad ng Wowowillie at  Undercover pagkatapos na sumali siya sa reality show na Boracay Bodies.

“Wala na akong contact sa mga ibang kasama ko sa ‘Boracay Bodies’ except kay Wendy Valdez dahil nagkita kami sa Greenhills. Pero enjoy naman ako sa mga guesting sa TV5 and at least, may trabaho ako,” pangiting dagdag ni Krista.

(JAMES TY III)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top