Thursday , October 1 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Laglagan na sa PDAF scam!

Laglagan na sa PDAF scam!

00 Bulabugin JSY
TALAGANG masama raw ang loob ni Senator Johnny Ponce Enrile sa kanyang chief of staff cum BFF, GIGI REYES.

Sa gitna nga naman ng mainit na P10-billion pork barrel scam ‘e bigla siyang iniwanan at lumipad patungong Macau at balita natin ‘e doon na kukuha ng VISA para makapunta sa mga bansang walang extradition treaty ang Philippines my Philippines.

Or kung magaling si Gigi Reyes malamang ‘e mag-ala PING LACSON siya hanggang MAKLARO ang pangalan niya.

Kung makaklaro pa siya pagkatapos siyang ilaglag ng kanyang friend cum BFF na si LAKAY JOHNNY.

Sabi kasi ng Spokesperson ni Senator ‘gusto ko happy ka’ JPE, ay wala raw siyang pinipirmahan na NAPOLES NGO na paglalagyan ng kanyang pork barrel. Puro lang daw sa LGU.

Kasunod n’yan ay humingi ng ‘PRIVILEGE SPEECH’ si Senator JINGGOY at ang sabi nga ‘e malamang d’yan na siya KUMANTA.

Maging ‘SEXY’ naman kaya ang kanyang pagkanta?! Sino-sino ang kanyang ikakanta at idadamay sa PDAF Scam?!

Si Senator BONG ‘pogi’ REVILLA naman kaya, sino naman kaya ang ituturo niya?!

Hakhakhak …

Bagay na bagay na kayo sa ‘turo-turo’ kasi turuan nang turuan na kayo!

Alam n’yo pinakamaganda n’yan mag-Angie Reyes na lang kayo … remember: DEAD MAN TELL NO TALES.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top