Saturday , September 26 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Gretchen Barretto may pakana sa demanda ng personal assistant vs Claudine Barretto (How true?)

Gretchen Barretto may pakana sa demanda ng personal assistant vs Claudine Barretto (How true?)

BAGO pa nagsampa ng kasong theft kay Claudine Barretto ang dating personal assistant na si Dessa Cadelario Patilan. Naikuwento na sa amin ni Clau na nang idemanda niya si Dessa sa salang pagnanakaw ng mga importanteng kagamitan tulad ng mga alahas na umabot sa P8.5 milyon ang halaga ay nakarating sa kanyang kaalaman na ikinuha ito ng eldest sister na si Gretchen Barretto ng sariling lawyer mula sa Siguion-Reyna Associates. Di lubos maisip ni Claudine na ang sariling kapatid pa ang kakampi sa PA na umagrabiyado noon sa kanya. Kaya ‘di na kami magugulat ngayon kung si Gretchen na naman ang may pasimuno sa bagong kagulohang ito? Mukhang ‘yan ang strategy ni Greta para makaganti kay mommy Inday. Para masaktan ang ina ay gumagawa siya ng paraan para sirain ang buhay ng nakababatang kapatid na si Claudine. Di ba? Nasaan naman kasi ang logic. At sino ang maniniwala ngayon na capable si Clau na nakawan ang dating personal assistant ng wala pang P50K. May milyones pang savings ang actress at ‘di naman siya naglulupa para gawin niya ang ibinibintang sa kanya. Para sa amin ka-cheapan at kababawan ang isyu at mga pinaggagawa ni Dessa Cadelario na nagpapauto sa kung sinoman. Well, ang abangan niya ay ang matinding resbak sa kanya ng dating amo na kontrobersyal aktres at sikat at palabang legal counsel na si Atty. Ferdinand Topacio na aming labs at BFF.

Inday Dessa lagot ka gyud!

JUAN DELA CRUZ CERTIFIED PHENOMENON!

Kung kami ang tatanungin, ang Juan Dela Cruz ang pinaka-successful fantaserye ng ABS-CBN at walang pwedeng magtaas ng kilay d’yan. We can say it’s a truly phenomenon! For the record, consistent sa pagiging number one ang JDC sa rating. Never pang natalo simula nang umere few months ago. Bukod sa rating, ang balita namin ay malaki ang contribution ng JDC pagdating sa ad load ng ABS-CBN. Consistent sa pagiging loaded with commercials ang JDC. Pati ang merchandise ng JDC ay hit na hit sa kids.

Ang dalawang volumes ng JDC na ini-release ng Star Home Video ay talaga namang patok na patok! At higit sa lahat, ang ganda ng story, mounting at acting, wala kaming masabi. From Coco Martin, Erich Gonzales, Albert Martinez, Zsa Zsa Padilla, Gina Pareno, Eddie Garcia ay talaga namang winner. Kudos din kina Shaina Magdayao, Martin del Rosario at John Regala na pakahusay din! Kahit noong buhay pa ang karakter ni Joel Torre bilang Pepe, ay naku naman talaga. Ang husay niya! Kudos kina Direk Malu Sevilla, Avel Sunpongco at Jojo Saguin sa napakahusay nilang direksyon. Ang creative ng Juan Dela Cruz dahil isa na siguro ito sa mga fantaserye na kinagat mula bata, matanda, babae, lalaki at mga bata. Congrats sa Dreamscape for coming up with such brilliant concept sa primetime. Let’s see kung matatapatan ng mga gustong mag-attempt ang na-achieve ng Juan Dela Cruz. Mapapanood gabi-gabi ang nasabing fantaserye sa Primetime Bida ng Kapamilya network pagkatapos ng TV Patrol.

ENERGEN NUTRITIONS MILK  & CERIAL SUMUSUPORTA  SA PAMILYANG PINOY HENYO  SA EAT BULAGA

Dahil bilib ang Energen sa talino ng ating kababayan na mga naglalaro mula Lunes hanggang Biyernes sa Pamilyang Pinoy Henyo sa Eat Bulaga. Nakipagtulungan at sumusuporta na ang Energen sa nasabing programa. Alam nila marami sa mga kalahok rito ay paboritong almusal ang kanilang produkto na isang nutrition milk at cerial. Yes, ang sarap naman kasi ng Energen at hindi nakasasawa. Kaya naman bukod sa Jackpot Prize na P50K na bigay ng Eat Bulaga para sa pamilyang mananalo araw-araw ay give rin ng datung ang Energen sa Elimination Round na pwedeng mag-win ang tatlong pamilyang kasali ng P10K, P15K at P20K. ‘Yan ang maganda sa Eat Bulaga para sa kanila, the more the merrier, at gusto nila mas malaking datung ang maipamigay nila sa kanilang mga studio audience at home viewer.

Peter Ledesma

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top