Wednesday , September 30 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Bachelors ‘prostitution’ Mansion Club binebeybi ni Mayor Tony Calixto at Kernel Dolfo Llorca

Bachelors ‘prostitution’ Mansion Club binebeybi ni Mayor Tony Calixto at Kernel Dolfo Llorca

00 Bulabugin JSY

NAGTATAKA ang ibang establisyemento sa Pasay City kung bakit ‘MATATAG’ ang bentahan ng laman sa Bachelors Mansion Club diyan sa Buendia Roxas Blvd.

Putok na putok na ang Bachelors Mansion club ay pugad ng mga prostitutes at marami nang nagpapatunay na talagang namumunini ang sex trafficking d’yan pero mukhang walang aksyon si Pasay City chief, Supt. Rodolfo Llorca at ‘kinokonsinti’ umano ni Mayor Tony Calixto.

Magkano ‘este’ bakit kaya?!

Masyado bang nalalayuan si Kernel Llorca sa Buendia Roxas Blvd., at hindi man lang niya masilip ‘yang area na ‘yan para ma-check niya kung totoo ang sumbong at reklamo?!

O baka naman, madalas na d’yan sa Bachelors Mansion club ‘yung bagong Pasay PNP-SOG Chief at mayroon nang sariling VIP room?!

Tayo po ay nagtatanong lang naman dahil talagang nagtataka tayo kung bakit wala man lang aksyon ang dalawang pinakamataas na opisyal sa Pasay City laban sa isang establisyementong matagal nang inirereklamong pugad ng prostitusyon.

This is a serious thing at hindi maganda na wala man lang kayong ginagawang kahit na anong aksyon …

Anybody who wants to explain, Mayor Calixto or Kernel Llorca?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top