Thursday , November 26 2020
Breaking News
You are here: Home / News / 15-anyos ginahasa ng mangingisda

15-anyos ginahasa ng mangingisda

CATANAUAN, Quezon – Walang awang ginahasa ng mangingisda ang isang 15-anyos dalagita makaraang dukutin habang naghihintay sa waiting shed ang biktima kamakalawa.

Tinutugis ng mga awtoridad ang suspek na kinilalang si Paterno Moreno, may sapat na gulang, naninirahan sa bayan ng Catanauan.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong 3 p.m. habang naghihintay ang biktimang si Myra sa kanyang mga kaibigan sa waiting shed sa nasabing bayan nang biglang dumating ang suspek at agad siyang hinawakan sa braso saka pakaladkad na dinala ni Moreno sa kanilang bahay at doon ginahasa.

Nang makatulog ang suspek ay mabilis na tumakas ang biktima at nagsumbong sa himpilan ng pulisya.

Nahaharap ang suspek sa kasong rape in relation to R. A. 7610 (Child Abuse).

(RAFFY SARNATE)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top