Friday , October 2 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kim, haharap sa malaking pagsubok sa buhay

Kim, haharap sa malaking pagsubok sa buhay

MALAKING pagbabago ang magaganap sa buhay ng award-winning Kapamilya actress na si Kim Chiu sa Sabado (Setyembre 21) sa pagpapatuloy ng top-ratingWansapanataym Presents My Fairy Kasambahay.

Sa gitna ng kanyang misyon, panibagong pagsubok ang haharapin ni Elyza (Kim) ngayong unti-unti nang nabubunyag ang tunay na ugnayan ng kanyang lola (Shamaine Buencamino) at ng amo niyang si Lori (Angel Aquino). Ano ang gagawin ni Elyza kapag nalaman niya na si Lori ang matagal na niyang hinahanap na ina?

Simula na ba ito ng pagbuo ng kanyang pagkatao o hudyat ng panibagong pagsubok bilang kasambahay? Tampok din sa  Wansapanataym Presents My Fairy Kasambahay sina John ‘Sweet’ Lapus, Joseph Marco, Miguel Vergara, Arnold Reyes, Peewee O’Hara, at Ian Galliguez mula sa panulat ni Arlene Tamayo, at idinirehe ni Jerry Sineneng.

Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng magical fairy tale ni Kim, tuwing Sabado sa pinakabagong month-long special ng storybook ng batang Pinoy, Wansapanataym, 6:45 p.m., pagkatapos ng Kapamilya: Deal or No Deal sa ABS-CBN.

Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top