Thursday , September 24 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kakaibang Tuesday, mapapanood sa Ang Turkey Man Ay Pabo Rin

Kakaibang Tuesday, mapapanood sa Ang Turkey Man Ay Pabo Rin

SA September 22 ang awards night ng CineFilipino Film  Festival na gaganapin sa Resorts World pero ngayon pa   lang, ang unanimous prediction ng lahat ay si Nora Aunor na ang magwawagi bilang Best Actress na bida sa entry na Ang Kwento ni Mabuti.

Kaya nga nang matanong si Tuesday Vargas about it na bida naman sa Ang Turkey Man Ay Pabo Rin, hindi naman daw siya umaasa dahil alam niyang aside from Ate Guy ay naririyan pa si Angel Aquino na may entry din.

“Salamat po kung sakali, nakagugulat po iyon,” nakatawang sabi ni Tuesday.

Makahanay lang daw sa ating nag-iisang Superstar sa nominasyon ay napakalaking karangalan na for her.

Sa pelikulang ang Turkey Man ay Pabo Rin ay kakaibang Tuesday daw ang mapapanood natin.

“Oo, kasi, hindi ako madalas nakikita na nagseseryoso. Makulit ang character ko rito, pero makikita nila na kapag nade-develop na ‘yung story, makikita nila ‘yung other side ni Cookie (pangalan ng kanyang karakter), na malalim pala ang pinaghuhugutan,” sambit pa ng komedyana.

First lead and title role ni Tuesday ang naturang pelikula at nagpapasalamat siya sa producer and director ng movie na si Randoplh Longjas sa pagtitiwalang ibinigay sa kanya.

Kasama ni Tuesday sa pelikulang ito si Travis Kraft, isang fillmaker/artist based in Los Angeles pero sumikat dito sa ‘Pinas dahil sa video niya sa You Tube on how to cook adobo in heavy Tagalog accent.

Also in the cast are JM de Guzman, Julia Clarete, among others.

Ang Ang Turkey Man ay Pabo Rin ay may gala night ngayong gabi, September 19 sa Resorts World Manila at  6:15 p.m.. Mapapanood din ito on regular run sa Lucky Chinatown sa Binondo (Sept . 18, 20,  22,  24), Gateway Cinema (Sep.19, 21, 24),  Resorts World Manila (Sept. 21, 23), at EDSA Shangrila (Sept. 22).

TF ni Kristoffer, tumaas na dahil primetime leading man na?!

MAS tumaas ngayon ang status ni Kristoffer Martin dahil Primetime leading man na siya ni Julie Ann San Jose. Tumaas ba ang talent fee niya?

“Hindi ko po alam, huwag na nating pag-usapan ‘yang mga personal na ganyan. Hindi ko rin alam kasi ang nagha-handle kasi, mommy ko at saka si daddy.

“As much as possible ayaw nilang malaman ko kung magkano ‘yung kinikita ko dahil baka biglang tumatak sa utak ko na biglang kunin ko, na ganito pala ‘yung kinikita ko. Iyon ‘yung disiplina na ibinibigay nila sa akin,” deklara niya.

May binabayaran daw siya na condo unit at Honda City na kotse bilang investments niya.

Anyway, walang kaba factor  ang girlfriend niyang si Joyce Ching na baka magkalapit ang loob nina Kristoffer at Julie Anne.

“Hindi naman, alam naman niya na ang trabaho is trabaho. Nagkausap naman na ho kami, before pa lahat, simula’t simula pa lang. Bago pa maging kami kasi nalinaw na namin sa sarili namin na trabaho, trabaho, iyon ang laging uunahin. Na kung magkakaroon ng kissing scene, ng loveteam, walang selos-selos. Basta alam naman natin kung ano ‘yung off-cam, ‘yung on-cam trabaho naman natin ito. Hindi naman dapat tayo ang nasusunod dito, hindi naman puwedeng tayo lagi. Ito ‘yung pinasok nating trabaho, gusto  natin itong parehas,” bulalas pa niya.

Dalawang taon at anim na buwan na raw silang may relasyon ni Joyce.

Roldan Castro

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top