Wednesday , July 8 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Gov’t employees libre ngayon sa MRT-LRT

Gov’t employees libre ngayon sa MRT-LRT

May libreng sakay ang Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT) sa mga empleyado ng gobyerno ngayong Huwebes, Setyembre 19.

Sa opisyal na Twitter account ng Department of Transportation and Communications (DoTC), inianunsyo ang libreng makasasakay ng MRT- 3 ang mga empleyado ng gobyerno mula alas-7:00 hanggang alas-10:00 ng umaga at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi.

Batay sa tweet ni Atty. Hernando Cabrera, tagapagsalita ng LRT, may libreng sakay din mula alas-7:00 hanggang alas-9:00 ng umaga at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi sa LRT Line 1 at 2 ang mga kawani ng pamahalaan.

Kailangan lang anyang magpakita ng valid government ID para libreng makasakay sa LRT at MRT ngayong Huwebes.

Ito’y bilang pagdiriwang ng ika-113 anibersaryo ng Philippine Civil Service.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top