Sunday , November 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Viva Hot Babes nagsipag-asawa na lang (Pare-pareho na kasing mga walang career!)

Viva Hot Babes nagsipag-asawa na lang (Pare-pareho na kasing mga walang career!)

MUKHANG tapos na talaga ang career ng Viva Hot Babes na binuo ni Boss Vic del Rosario noong early 2000. Kasi kahit ang mga medyo visible na dalawang member ng grupo na sina Katya Santos at Maui Taylor ay lie-low na rin dahil pareho nang nagpakasal sa kanilang mga non-showbiz hubby. Tapos, kamakailan lang ay isa pang Hot babe na si Jen Rosendahl ay ikinasal na rin sa kanyang long-time-boyfriend na si Jules Changco. May dalawa pa na lumagay na rin sa tahimik dahil sa kawalan ng raket. Saka mukhang hindi na rin naman interesado si Boss Vic na i-revive ang career ng mga seksing alaga dahil mas focus ang producer ngayon kina Sarah Geronimo, Cristine Reyes, Anne Curtis at Maricel Soriano plus addition sa maraming talent ng nasabing movie producer ay ang nagbabalik-showbiz na si Claudine Barretto. By the way, six months preggy na raw pala si Maui sa kanyang husband businessman.

KIM, NAKITA NA ANG MATAGAL NANG HINAHANAP?

Malaking pagbabago ang magaganap sa buhay ng award-winning Kapamilya actress na si Kim Chiu ngayong Sabado (Setyembre 21) sa pagpapatuloy ng top-rating “Wansapanataym Presents My Fairy Kasambahay.” Sa gitna ng kanyang misyon, panibagong pagsubok ang haharapin ni Elyza (Kim) ngayong unti-unti nang nabubunyag ang tunay na ugnayan ng kanyang lola (Shamaine Buencamino) at ng amo niyang si Lori (Angel Aquino). Ano ang gagawin ni Elyza kapag nalaman niya na si Lori ang matagal na niyang hinahanap na ina? Simula na ba ito ng pagbuo ng kanyang pagkatao o hudyat ng panibagong pagsubok bilang kasambahay? Tampok din sa “Wansapanataym Presents My Fairy Kasambahay” sina John ‘Sweet’ Lapus, Joseph Marco, Miguel Vergara, Arnold Reyes, Peewee O’Hara, at Ian Galliguez. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Arlene Tamayo, at direksyon ni Jerry Sineneng. Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng magical fairy tale ni Kim, tuwing Sabado sa pinakabagong month-long special ng storybook ng batang Pinoy, “Wansapanataym,” 6:45pm, pagkatapos ng “Kapamilya: Deal or No Deal” sa ABS-CBN. Samantala, bongga ang naging rating ni Kim sa kanyang pilot episode na 33.5% kontra sa VADK na 18.3% lang. Base ang survey sa Kantar Media National Ratings.

“MOR TV,” ipalalabas  ang exclusive video interview

DANIEL PADILLA AAMIN NA SA TOTOONG ‘MAGIC’ NG KANYANG CAREER

Sasakupin na ng ‘Teen King of Philippine showbiz’ at bida ng toprating primetime teleseryeng “Got To Believe” star na si Daniel Padilla ang “MOR 101.9 For Life!” at “MOR TV” (www.MOR1019.com) ngayong Setyembre. Sa kauna-unahang pagkakataon, makakapanood ang online audience ng “MOR” ng video interview sa hit radio morning show na ‘Sabado Sikat Special’ ni DJ China Paps. Di Daniel ang unang special guest sa three-part special episode ng programa. Sa kanyang eksklusibong panayam, buong pagpapakumbabang inamin ni Daniel na hindi niya inaasahan at pawang biyaya ng Diyos ang lahat ng tagumpay na natatanggap niya. “Hindi ko po talaga alam kung saan galing ‘yung sinasabi nilang “Daniel Padilla magic,” paliwanag ng phenomenal young actor-singer kaugnay ng madalas na sabihing rason ng kanyang fans bakit siya gustong-gusto nila. “Naniniwala ako na dahil sa mga supporter ko kaya maganda ang takbo ng career ko. ‘Yung ibang artist, marami rin silang followers, pero ‘yung fans ko ay napaka-active sa pagsuporta sa lahat ng mga ginagawa ko,” pahayag ng ka-love team ni Kathryn Bernardo, na bukod sa toprating TV shows at blockbuster hit movies ay mayroon rin best-selling albums. Ipinakilala rin si Daniel bilang isa sa mukha ng “MOR 101.9 For Life,” kasama nina Vice Ganda at Toni Gonzaga, nang inilunsad ang estasyon nakaraang Hulyo. “Masaya at thankful ako sa fans ko dahil walang sawa sila sa pagsuporta sa akin at kay Kathryn sa lahat ng special projects at events namin,” ani Daniel. “Bilang pasasalamat, lagi lang akong totoo at loyal rin sa kanila.” Huwag palampasin ang three-part “Sabado Sikat Special,” sa Setyembre 21, Setyembre 28 at Oktubre 5, mula 9am hanggang 11am sa “MOR TV” sa www.mor1019.com at sa hottest FM radio station sa Mega Manila “MOR 101.9 For Life!” Para sa iba pang updates kaugnay ng “M.O.R. 101.9 For Life!” i-‘like’ lamang ang Facebook fanpage nito sa www.facebook.com/mor1019 at i-follow ang @MOR1019 sa Twitter.

Peter Ledesma

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top