Thursday , November 13 2025

Ilang kabayo pinarurusahan ng Handicapper

Nakakabahala na posibleng magkaroon ng shortage ng mga kabayong pangarera dahil nalalagay sa piligro ang kaligtasan ng mga kabayo dahil sa isang reglamentong ipinatutupad ng mga handicapper ng tatlong racing club sa Cavite at Batangas.

Kamakalailan ay nagpalabas ng kautusan ang Philippine Racing Commission (Philracom) na nagbabawal ang pagpapataw ng 60 kgs sa mga pangarerang kabayo na inilalahok sa regular na karera upang maiwasan ang pagkakabalda ng mga kabayo.

Subalit, tila hindi ito sinusunod ng mga handicapper ng tatlong karerahan dahil may ilang kabayo ang kanilang pinarurusahan na magdala ng timbang na 60 kgs. sa ilang labanan.

Sa hanay ng mga imported,  ang kabayong Cardinal ay nabalian ng paa sa huling laban nito matapos pagbitbitin ng 60 kgs sa isang laban.

Umiiyak ngayon ang horse owner sa sinapit ng kanyang kabayo dahil hindi nabigyan ng sapat na proteksiyon ng karerahan matapos pisohan ng 60kgs.

Sa darating na Biyernes sa San Lazaro Leisure Park sa Carmora,Cavite isang kalahok na imported na kabayong Sun Tan Tony  ang binigyan ng mabigat na timbang.

Idalangin na lamang natin na hindi madisgrasya ang naturang kabayo dahil sa bigat na pasan-pasan nito.

Ayon sa isang handicapper may panganib na mabawasan ang populasyon ng kabayo sa bansa dahil sa sistimang ipinatutupad ng mga handicapper ng tatlong racing club.

Ni andy yabot

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PSC BSC MSU

Marawi, Umuusbong Bilang Lupain ng Pangako para sa mga Talento sa Palakasan

LUNGSOD NG MARAWI — Sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission (PSC), Bangsamoro Sports Commission (BSC), …

DSAS

DSAS balik sa Megatrade Hall ng SM Megamall

DAMHIN ang pangunahing palabas ng mga baril, kaligtasan, at responsableng pagmamay-ari sa bansa sa Nobyembre …

bagyo

Live shows, basketball games, out of town kanselado kahapon 

I-FLEXni Jun Nardo KANSELADO ang ilang live shows at out of town appearances ng ilang …

Carlos Yulo GAP Gymnastics

World Junior Meet malaking ambag sa pagpapaunlad ng Gymnastics sa Pilipinas

ANG pagsasagawa ng ika-3 FIG Artistic Gymnastics Junior World Championships sa bansa ay inaasahang magdudulot …

Alas Pilipinas FIVB Volleyball Girls U17

Alas Pilipinas girls team pasok sa 2026 FIVB Volleyball Girls’ U17 World Championship

AMMAN, Jordan — Nakapagtala ng makasaysayang tagumpay ang Alas Pilipinas girls team matapos masungkit ang …