Tuesday , September 23 2025

Anakpawis Rep. Hicap inaresto sa Luisita

TIKOM ang bibig ng Palasyo sa isyu ng pagdakip kahapon ng mga pulis kay Anakapwis Rep. Fernando Hicap sa Hacienda Luisita sa Tarlac nang dumalo sa isang fact-finding mission hinggil sa pamamahagi ng lupa ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa naturang lugar.

”I cannot comment as we are not familiar with the details of the incident,” tugon ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda nang hingin ang kanyang reaksyon sa insidente.

Batay sa kalatas ng Anakpawis party-list, dakong 11:45 a.m. kahapon pagkagaling sa isang dialogue sa Philippine Army sa Brgy. Balete, inaresto ng mga kagawad ng Tarlac Police sina Hicap, Danilo Ramos ng Anakpawis party-list, Florida “Pong” Sibayan, acting chairperson ng AMBALA, Sister Patricia Fox, Ericson Acosta, Kerima Acosta, Rene Blazan, Kala San Juan, Ronald Matthew Gustillo, Luz Versola, at iba pa.

Ipiniit sila sa Tarlac City Police Station dahil sa mga kasong malicious mischief, illegal assembly, direct assault at trespassing.

Nagpunta sa Hacienda Luisita ang pangkat ni Hicap upang imbestigahan ang mga ulat ng panloloko, pandarahas at land grabbing na iniulat ng mga benepisaryong magbubukid na sinasabing naganap sa pamamahagi ng Department of Agrarian Reform (DAR) ng Lot Allocation Certificates (LAC) sa 10 barangay ng asyenda mula Hulyo  18  hanggang Agosto 21.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia PBBM Protest Rally

Para kay Goitia
Kaguluhan bigo, diwa ng Pinoy nagtagumpay

ANG kaguluhan na sumiklab sa Mendiola noong Setyembre 21 ay malinaw na nagpapakita, ayon kay …

Sec Solidum sees thriving food innovation and salt industry in Northern Mindanao

Sec Solidum sees thriving food innovation and salt industry in Northern Mindanao

DOST Secretary Renato U. Solidum, Jr. witnessed it firsthand during his visit to Northern Mindanao, …

DOST Region 2 Strengthens Technology Transfer Through Fairness Opinion

DOST Region 2 Strengthens Technology Transfer Through Fairness Opinion

TO ensure that innovative technologies from local research institutions find their way to industry partners, …

One Verse SB19

SB 19 idolo ng One Verse

PROMISING ang baguhang PPop boy group na  One Verse na nasa pangangalaga nina Jhay  Layson, Direk Jaysar Lorayna, Direk …

Bulacan

Sa Bulacan
DAAN-DAAN NAGPROTESTA VS KORUPSIYON

“BAHAIN ng galit ang mga buwayang kurakot!” Sigaw ng hindi bababa sa 500 kataong nagmartsa …