Monday , September 21 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Kanino naka-tongpats ang illegal terminal sa EDSA cor. Roxas Blvd?

Kanino naka-tongpats ang illegal terminal sa EDSA cor. Roxas Blvd?

00 Bulabugin
ISANDAANG araw pa bago mag-PASKO pero ibang-iba na ang pakiramdam ng mga TONG-PATS sa illegal terminal d’yan sa kanto ng EDSA at ROXAS BLVD (sa ilalim ng tulay) sa Pasay City.

‘E kasi ba naman, ARAW-ARAW PASKO sa kanila.

Sa laki ba naman ng TONG-PATS na nakukuha nila d‘yan paanong hindi nila mararamdaman agad ang  PASKO.

Mahina ang P50 mil TONG-PATS kada LINGGO ng Kamaganak Inc.

Matapos  makopo raw ng KAMAGANAK Inc., ang tongpats sa mga illegal terminal at kolorum, na talagang pinaghati-hatian na ang ‘pagkakakitaan’ d’yan sa lungsod na pinamumunuan ni Mayor Antonino Calixto ay lalong naging talamak ang mga illegal terminal.

Mayor  To-Calix, hindi ka ba naman nabubukulan ng KAMAGANAK Inc.,sa mga kolek-TONG nila d’yan sa mga illegal terminal sa  Pasay lalo na sa kanto ng EDSA at Roxas Boulevard?

‘E kasi wala kang KAKIBO-KIBO na parang wala kang nalalaman Mayor.

Wala ka nga bang ALAM?

Tsk tsk tsk …

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top