Monday , September 28 2020
Breaking News
You are here: Home / News / 2 dalagita tinangay ng alon, 1 nalunod (Trahedya sa family excursion)

2 dalagita tinangay ng alon, 1 nalunod (Trahedya sa family excursion)

NAGA CITY-Nauwi sa trahedya ang family excursion sa isang beach resort sa Balogo, Pasacao, Camarines Sur.

Ito’y matapos tangayin ng malaking alon ang mga biktimang sina Hannie Grace Cabangon, 17, at Danica Atacador, 12, kapwa residente ng kalapit na bayan ng San Fernando.

Ayon sa ulat, masayang naliligo ang dalawa malapit lamang sa dalampasigan nang biglang hampasin ng malakas na alon at tinangay sila 15 metro ang layo mula sa baybayin.

Sinaklolohan ang dalawang dalagita ng kanilang mga kaanak at isinugod sa pagamutan.

Ngunit hindi na umabot nang buhay si Cabangon habang nakaligtas naman si Atacador.

(BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top