Saturday , September 26 2020
Breaking News
You are here: Home / Sports / Mayweather napuntusan si Alvarez

Mayweather napuntusan si Alvarez

LAS VEGAS – KATULAD nang inaasahan muling nagwagi sa laban si Floyd Mayweather sa isang nakakainip na bakbakan kontra kay Canelo Alvarez na ginanap sa MGM Grand Garden Arena.

Nanalo si Floyd sa pamamagitan ng majority decision.

Si judge C. J. Ross ay isa sa nainip sa laban kung kaya itinabla na lang niya ang bakbakan sa 114-114 even.   Si judge Dave Moretti ay may 116-112 at judge Craig Metcafle ay nagbigay ng 117-111 pabor ang dalawa kay Mayweather.

Sa post fight interview ay himalang naging “humble” si Mayweather.  Hindi pa niya pinapangalanan ang susunod niyang kalaban.

Si Alvarez ay wala namang “excuses” sa naging pagkatalo.  Sa pamamagitan ng translator ay ay inamin niyang, “I didn’t know how to get him. … We were trying to catch him.”

ni sabrina pascua

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top