Tuesday , September 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Be Careful with My Heart: The Movie, bibigyan ng consideration sa deadline (‘Wag lang daw i-withdraw)

Be Careful with My Heart: The Movie, bibigyan ng consideration sa deadline (‘Wag lang daw i-withdraw)

UMAAPELA ang head ng Metro Manila Film Festival (MMFF)  na si Chairman Francis Tolentino na  na ire-consider ang desisyong pagwi-withdraw ng Star Cinemasa Be Careful With My Heart: The Movie sa  pestibal dahil may conflict sa schedule ng mga artista.

Bibigyan daw nila ng consideration sa deadline ang naturang pelikula sa mga requirement na kailangan nila gaya ng maagang preview nito.

“Willing kaming mag-bend ng ilang panahon para kahit hindi pa tapos ‘yung kanilang pelikula, bago ilabas ‘yung trailer, kung iyon lang po ang kakailanganin,” bulalas ni Tolentino sa isang panayam.

Marami sa fans nina Jodi  Sta. Maria at Richard ‘Ser Chef ‘ Yap ang nalungkot nang mapabalitang hindi na sasali ang Be Careful With My Heart.

Naniniwala rin si Chairman Tolentino na malaking kawalan ito dahil kailangan pang maghanap ng ganoong genre at pampamilyang panoorin.
Roldan Castro

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top