Saturday , September 26 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Bagong mayor, bagong Sakla Queen sa Caloocan City

Bagong mayor, bagong Sakla Queen sa Caloocan City

WALANG epekto ang pagbubuyag na isang bagong SAKLA QUEEN ang lumalagare ngayon sa Caloocan City mula nang maupo si Mayor Oca ‘Solaire’  Malapitan bilang bagong ALKALDE ng lungsod.

Kumbaga, bagong Mayor, bagong Sakla Queen.

Agad kasing nagbalot-balot at nag-fly away ang matronang si LUCY SAKLA, ang bangkang Navotas, nang manalo sa eleksiyon si Malapitan.

Pero akala natin ay mananahimik na ang SAKLA sa Caloocan nang mawala si LUCY.

Hindi pala…

Pinalitan lang siya ng bagong SAKLA QUEEN sa Caloocan City na si ‘POLENG’ na isang bangkang QUEZON CITY.

Kaya matapos maplantsa  ang lahat-lahat ng intelihensiya mula lokal hanggang nasyonal, lumarga na ang mga saklaan ni ‘POLENG’ sa mga barangay ng Caloocan.

Alam ng lahat na dating YAGIT lang si LUCY, pero naging milyonarya sa pasugal niyang SAKLA-DAYA.

Marami ang nagtatanong kung mapapantayan ba ng bagong sakla queen na si ‘POLENG’  ang operasyon ni LUCY?

Sige nga … aabangan natin ‘yan sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Oca Malapitan.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.7630 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top