Monday , October 15 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Police asset itinumba sa harap ni misis

Police asset itinumba sa harap ni misis

LAGUNA – Agad binawian ng buhay ang isang hinihinalang asset ng pulis makaraang pagbabarilin sa harap ng kanyang misis ng dalawang hindi nakilalang salarin kamakalawa sa San Vicente Road, Brgy. San Vicente, bayan ng San Pedro.

READ MORE:  P.85 - P.90 tapyas presyo kada litro sa gasolina

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Neil Depano, 40, naninirahan sa Bonifacio Street, Purok 1, Brgy. Magsaysay ng nabanggit na lugar. Ayon sa ulat, dakong 8:30 p.m. habang ang biktima at ang misis niyang si Rhodora Depano, 39, sales clerk, ay lulan ng motorsiklo nang paputukan ng mga suspek ngunit hindi sila tinamaan.

READ MORE:  9 patay sa Japanese encephalitis — DoH

Gayonman, patuloy pa rin silang hinabol ng mga salarin na lulan din ng motorsiklo ngunit nawalan ng kontrol sa motorsiklo si Depano kaya bumangga sa isang kotse. Sumakay ang biktima sa jeep ngunit hinabol pa rin sila ng mga salarin at muling pinaputukan si Depano na kanyang ikinamatay.

READ MORE:  Brgy. Ex-O ng Malabon, 2 pa inambus sa Maynila driver patay (Kaanak ng Spring Oil owner)

(BOY PALATINO)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved