Wednesday , September 30 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Juday, kapamilya pa rin! (Project sa TV5, tuloy pa rin, GMA babu na)

Juday, kapamilya pa rin! (Project sa TV5, tuloy pa rin, GMA babu na)

NAG-RENEW ng kontrata si Judy Ann Santos-Agoncillo sa ABS-CBN noong Miyerkoles ng hapon kasama ang executives na sina TV production head Laurenti Dyogi, ABS-CBN broadcast head Cory Vidanes and ABS-CBN president Charo Santos-Concio at manager ng aktres na si Alfie Lorenzo.

Kuwento ni Tito Alfie noong Miyerkoles ng hapon ay hindi na tiyak papayagan si Juday na gumawa ng project sa GMA-7 dahil pumirma na siya sa ABS-CBN, ”pero ‘yung sa TV5, tuloy ‘yun kasi pelikula naman ‘yun at hindi palang nakakapag-meeting kasi nagkasakit naman si Ryan (Agoncillo), eh, siya (Juday) ang nag-alaga.

“’Yung sa GMA, may offer, maganda sana rin ‘yun, eh, naunahan na, pumirma na sa ABS, eh, ‘di babu na GMA.

“Sabi ko nga kina Charo, masyadong loyal si Juday sa inyo, kita n’yo naman, maraming offers sa iba, pero kayo ang pinili kasi naman 25 years na si Juday sa ABS, magkakasama pa sila nina Charo kaya nga nagpapasalamat din si Charo kasi nga loyal si Juday sa kanila.”

Dalawang taon ang pinirmahan ng aktres na magtatapos sa taong 2015 at tatlong programa ang nakatakda niyang gawin at mauuna ang reality shows na Bet On Your Baby at I Do bilang host at teleserye naman ang huli mula sa  Dreamscape Unit ni Deo T. Endrinal.

Ayon kay Tito Alfie ay guaranteed ang kontrata ng alaga niya sa Dos, ibig sabihin, maski na wala siyang project ay makatatanggap siya ng buwan-buwan niyang suweldo.

“Eh, maganda nga ang kontrata ni Juday kasi isipin mo maski na wala siyang gagawin  o natapos na ang tatlong programa ng wala pang dalawang taon, diretso ang suweldo niya.

“Sabi ko nga, magandang career din ‘yan, kasi isipin mo, kung hindi ka busy, mag-aalaga ka lang kay Ryan o sa mga bata, may suweldo ka, malamang baka nga mas gusto na ni Juday ang mag-alaga na lang,” birong sabi sa amin.

Kiray, napaiyak nang halikan ni Arjo (First time raw kasing hinalikan sa buong buhay niya)

NAPAKA-SUWERTE naman ni Arjo Atayde dahil siya ang naka-devirginized sa labi ng batang aktres na si Kiray Celis dahil gaganap silang mag-asawa sa Maalaala Mo Kaya na mapapanood sa Sabado (Setyembre 15).

Kuwento sa amin ng taga-MMK, napaiyak si Kiray pagkatapos kunan ang eksenang hinalikan siya ni Arjo dahil first time raw niyang mahalikan sa buong buhay niya.

Kaagad namang naalarma ang batang aktor ng malamang napaiyak si Kiray at kinalma niya ang dalaga.

Nakatsikahan namin si Kiray at tinanong namin kung anong pakiramdam niya ngayong nakatikim na siya ng halik.

“Tita nakalulungkot. Kasi first time ko ‘yun sa TV at in real life. Pero, alam ko worth it naman po, hindi bastos si Arjo,” mabilis namang sagot sa amin.

Sabi namin sa dalaga na, ‘ay oo naman, sobrang gentleman good thing siya (Arjo) ang first kiss mo, he he he he.’

“Good thing po ba? HAHAHAHA! Nakalulungkot na first kiss ko po, sa TV. At hindi sa totoong buhay. Pero, para sa ‘MMK’ naman po,” tumatawang sabi ni Kiray.

Dagdag pa, ”at sabi ko po, first kiss ko. Sa kasal ko. Sa ‘you may now, kiss the bride’. Ganoon nga po nangyari! HAHAHAHA! Literal!”

Ilang minuto ang nakalipas ay nag-post si Kiray sa Twitter account niya na gusto raw niyang magpa-gupit, magpa-masahe, at manood ng sine.

Sinagot namin namin siya ng, ‘isa-isa lang, na-tensiyon ka naman yata sa first kiss mo’.

Mabilis naman sumagot si Kiray, ”nyahahaha, natawa naman ako tita, hindi naman po.”

Samantala, tinanong nga namin ang daddy ni Arjo na si Papa Art Atayde kung boto siya kay Kiray, ”ipakilala muna niya rito sa bahay at I have a room for her.”

At tinanong naman namin ang mom ng binata na si Sylvia Sanchez kung boto siya kay Kiray, ”natutuwa nga ako sa kanila kasi nagbabanatan sila sa twitter, kesyo na take-two raw ang kissing scene kasi gustong-gusto ni Kiray na halikan si Arjo.

“Sumagot naman si Kiray na gusto raw ni Arjo na gusto take eight (8) kasi gusto ni Kiray, basta ganoon ang usapan nila, tawa ako ng tawa kasi click sila, sabi ko nga kay Arjo kapag nag-click ang ‘MMK’ nila, tiyak sila ang loveteam, ha, ha, ha,” masayang tinig ni Ibyang sa kabilang linya.

Hmm, oo nga, why not, di ba ateng Maricris?

Yam at Ejay, nagkakamabutihan na!

PARANG kailan lang Ateng Maricris na tinutukso-tukso natin si Yam Concepcion kayEjay Falcon sa presscon ng Dugong Buhay, ‘di ba?  At napapangiti lang ang baguhang aktres at nabanggit niyang, ‘wala sa isip niya ang magkaroon ng boyfriend dahil priority niya ang career lalo’t first serye niya ito.’

Naikuwento sa amin ito ng taga-production ng Dugong Buhay na napapansin nilang sweety-sweety ang dalawa sa set pero hindi naman daw nila tinatanong.

Heto na, getting to know each other na ang drama nina Ejay at Yam bagay na inamin naman sa amin ng dalaga noong i-text namin.

Diretsong tanong namin kay Yam ay kung boyfriend na niya si Ejay.

“Para maiba naman this time, no comment, ha, ha, ha, ha, ha,” sagot ng dalaga.

At binalikan namin ng tanong kung bakit niya nasabing, ‘para maiba naman this time?’

“Ha, ha, ha, ha grabe naman, we’re still getting to know each other, basta priority namin ang trabaho,” sagot ulit sa amin.

Sa madaling salita, hindi pa opisyal na magkarelasyon sina Yam at Ejay?

“Hindi, we’re getting to know each other and so far so good,” mabilis na sagot sa amin.

Maya-maya ay kami naman ang tinanong kung paano namin nalaman at kung sino ang nagkuwento, ”ikaw naman mag-share kung paano mo nalaman.”

At saka na malalaman ni Yam kung sinong nagkuwento kapag sinagot na niya si Ejay, ha, ha, ha, ha.

Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top