Thursday , November 26 2020
Breaking News
You are here: Home / News / 2 parak nadakma sa anti-drug ops

2 parak nadakma sa anti-drug ops

POSIBLENG masibak sa serbisyo at tiyak na masasampahan ng kasong kriminal ang dalawang pulis na nakalawit sa buy-bust operation ng mga awtoridad sa General Santos City.

Tinukoy ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Undersecretary Arturo Cacdac, Jr., ang mga suspek na sina PO3 Fernando Alim, 49, at PO1 Kadil Masahod, 34, pawang mga residente ng Sultan Kudarat at parehong nakatalaga sa Sultan Kudarat Provincial Police Office.

Ayon sa ulat, isinagawa ang operasyon ng PDEA dakong 9:45 p.m. sa Salvane Rd., Brgy. City Heights sa nabanggit na lungsod.

Nabatid na nadakip ang mga suspek matapos magbenta ng isang gramo ng shabu sa poseur buyer ng ahensya.

(JETHRO SINOCRUZ/

BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top