Sunday , September 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kris, sumakay ng MRT! (Mauulit pa raw dahil convenient…)

Kris, sumakay ng MRT! (Mauulit pa raw dahil convenient…)

HALOS apat na oras kami sa trapik noong Martes ng gabi sa Edsa City galing ng Resorts World kasama sina katotong Vinia Vivar at Rohn Romulo nang makatanggap kami ng text message mula kay Ateng Maricris na bandang 8:00 p.m. ay sumakay daw sa MRT (Metro Rail Transit) ang TV host na si Kris Aquino sabay post nito ng pictures sa kanyang Instagram account/Facebook.

Tinanong namin ang Queen of All Media kung ano ang masasabi niya sa unang pagsakay ng MRT?

“Very nice lahat ng nakasabay ko! Very convenient ang MRT, pero dapat naka-flats, buti may baon akong shoes,” text back sa amin pagkalipas ng isang oras.

Galing ng back pack si Kris para sa Kris TV sa Makati City at papunta siya sa Lucky Me Short Film Festival sa Cineplex, Shangrila pero inabot na raw siya ng dalawang oras sa Edsa na hindi pa rin gumagalaw ang mga sasakyan at nabanggit pa niyang, ”big parking lot ang Edsa”.

At dahil super-late na siya ay kaagad niyang pinatabi ang sasakyan sa MRT Guadalupe station at pinatanong kung may espasyo pa at mayroon naman daw at sabay bili ng ticket.

Pagbati ng host at pag-selfie

Natawa nga kami sa kuwento ng ilang nasa MRT na akala raw nila ay namamalik-mata lang sila pero ng makita nila ng malapitan ay bumati raw ang TV host sa kanila.

Say sa amin, ”may mga kasamang alalay, tapos hindi naman mahigpit at nanghahawi pero halatang guarded siya. At least na-experience niyang mag-MRT at nakita niya kung ano ang hirap ng mga tulad namin.”

Natanong nga rin daw si Kris kung sobrang trapik daw ba sa Edsa para mapilitan siyang mag-MRT. At nagulat pa ang lahat ng mismong ang mama nina Josh at Bimby pa ang nagsabing, ‘pa-picture’ tayo sabay labasan daw ng kamera ang iba.

At dahil napaka-convenient ng pagsakay sa MRT ng rush hour ay uulitin pa rin ni Kris na sumakay dito. (Hindi ito ang unang pagkakataon na may celebrity na sumakay sa MRT. Kagabi rin ay namataan si Manny Pacquiao na sumakay ng MRT. At ang iba pang celebrity na nakapag-MRT-LRT na ay sina Anne Curtis, Enchong Dee, Julia Montes, Piolo Pascual, at Angelica Panganiban

Sheryl, isang European guy ang gustong mapangasawa?

NATUTUWA si Sheryl Cruz na kasama niya sa Galema: Anak ni Zuma ang pinsang buo si Sunshine Cruz dahil may nakaka-tsikahan siya bukod sa ibang kasamahan sa set.

Nasalubong namin ang aktres kung totoo ‘yung sinabi niyang European ang gusto niyang makatuluyan kung sakaling mag-aasawa siya ulit sa pinsan niyang si Sunshine.

“Ha, ha, ha, ha biruan lang namin iyon ni Shine, kasi nga ‘di ba si Gen (Geneva Cruz) Fil-Aussie tapos ‘yung sister naman ni Shine lives in (nalimutan namin ang bansa sa Europe).

“Hindi naman masamang mangarap, so ‘yun ang biruan namin ni Shine ‘pag nasa set (Galema) kami,” katwiran ng aktres.

Ayon kay Sheryl ay hindi naman siya naghahanap ng lalaking muling magmamahal sa kanya masaya na siya ngayon sa kalagayan niya bilang nanay ni Ashley na 12 taong gulang na at lumaking mabait at matalinong bata.

“Sobrang blessed ko sa anak ko dahil after 5 years (marriage) bago siya ibinigay sa amin masunuring bata at lider siya ng Taekwondo class nila kaya proud ako and siyempre, may crushes na rin at natutuwa akong makinig ng kuwento niya kasi open siya,”kuwento ng proud mom.

Samantala, hindi naman nagkuwento si Sheryl kung may ibang pamilya na ang dating asawang si Norman Bustos, ”I don’t want to disclose anything about him kasi okay kami at wala rin naman akong masasabi sa kanya bilang tatay ni Ashley kasi he’s doing his obligation naman and we’re good,”  katwiran nito.

Oo nga naman, hindi naman showbiz ang tatay ng anak kaya deadma na, ang kulit kasi namin, ha, ha, ha.

Samantala, gagampanan ni Shery ang papel na Galela bilang biological mother ni AndiEigenmann bilang si Galema na nireyp naman ni Zuma.

Base sa kuwento ay magkapatid sina Isabe l (Sunshine Cruz) at Galela na ang hinahanap ni Zuma ay ang una dahil kamukha raw ni Queen Malena na past wife niya.

At dahil si Galela ang nakita bukod sa birhen pa ito ay siya ang nireyp ni Zuma at naging anak nga si Galema.

Hindi tinanggap ng lahat si Galela kaya’t lumayo siya at lumaki si Galema kay Isabel.

Mapapanood na ang Galema: Anak ni Zuma sa Kapamilya Gold at kasama rin dito sina Matteo Guidicelli, Meg Imperial, Carlos Morales, Divina Valencia, Lito Legaspi, at Derick Hubalde bilang si Zuma mula sa direksiyon ni Wenn Deramas.

Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top