Sunday , September 20 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kiray, masusubukan ang galing sa pagpapa-iyak

Kiray, masusubukan ang galing sa pagpapa-iyak

HINDI magpapatawa sa episode ng MMK sa Sabado, September 14, 2013 ang komedyanteng si Kiray Celis na gaganap sa katauhan ng insecure sa kanyang anyo, at height na si Brenda.

Dahil maliit siya, madalas siyang kutyain at dahilan din ito para hindi siya matanggap sa mga pinapasukan niya gaya ng pagtuturo na siya niyang tinapos na kurso. Nang mabukas ang oportunidad, maski na hindi niya major ang magturo sa mga hering impaired eh, sinunggaban niya na ito.

Pero ang isang major setback eh, nang umibig na siya at i-reject ng lalaking kanyang minahal.

Kasama ni Kiray sa nasabing episode sina Arjo Atayde, Tetchie Agbayani, Ronnie Lazaro, Raquel Villavicencio mula sa direksiyon ni Garry Fernando at iskrip ni Mary Rose Colidres at saliksik ni Akeem Jordan del Rosario.      (PILAR MATTEO)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top