Monday , September 28 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Yosh, suspek sa paglalabas ng sex video nila ni Wally? (Limang araw bago lumabas ang video, nag-resign daw ito sa EB!)

Yosh, suspek sa paglalabas ng sex video nila ni Wally? (Limang araw bago lumabas ang video, nag-resign daw ito sa EB!)

THE closest we could get to finding out the real story behind the sex video scandal involving Wally Bayola and EB Babe Yosh was Joey de Leon.

May direct access ang inyong lingkod dahil magkatrabaho kami sa Startalk kaya nitong Sabado, ang tumatayong isa sa mga host ng Startalk whose job is to interview his guest ang siya naming inusisa tungkol sa pinag-uusapan pa ring isyu.

Personally, laking gulat din daw ni Tito Joey when the news broke out (Martes ‘yon, September 3). The whole of Eat Bulaga! was clueless, if not  “nabulaga” that there were ever “private moments” na pinagsaluhan nina Wally at Yosh.

“Wala kaming kaalam-alam. Matinik talaga si Kalbo,” ngingisi-ngising sabi ni JDL. Tanong namin, when did he think it took place? “Hindi ko rin alam, eh. Basta lumabas na nasira raw ‘yung laptop ni Wally, 2012 noong ipina-repair niya ‘yon,” sagot niya.

Next question, may “something” ba sa  mga bida sa naturang sex video na kung susumahin ay tumatakbo ng four minutes at 27 seconds?

“Hindi rin namin alam, basta matinik talaga si Kalbo,” aniya.

Suspendido nga ba si Wally sa Eat Bulaga!? This time, Tito Joey volunteered a definite reply, “Hindi siya suspended, kusa siyang hindi na sumisipot sa show.”

Still hungry for answers, binalingan namin ang driver ng TV host, si Jun. Baka kasi bukod sa ilang mga piraso ng Dynamite candy (na paborito ni JDL) na inirarasyon niya sa amin linggo-linggo ay mayroon itong mala-dinamita ring pasabog sa kung ano ang kanyang nalalaman.

Ayon kay Jun, limang araw raw bago pumutok (nang para ring dinamita?) ang tungkol sa sex video ay nagsumite si Yosh ng kanyang resignation sa Eat Bulaga, bagay na sinilipan ng pagdududa.

Roon na raw lumutang ang mga haka-haka pointing to Yosh as allegedly the brains behind the proliferation of the sex video. Umano, that was (again) allegedly Yosh’s way of exacting revenge on Wally na nakikipaghiwalay na raw sa kanya.

So, mayroon pala silang relasyon? Whatever. Mas concerned kami sa relasyon ni Wally sa kanyang pamilya most specially to her teenage daughter na mayroon pa manding iniindang pisikal na sakit.

***

AS a “punster” ourselves, we find TV5’s slogan Weekend (We can) To It Better so witty in announcing its eight exciting programs sa bagong weekend primetime block.

Kabilang dito ang Showbiz Police hosted by Cristy Fermin, direk Joey Reyes, Raymomd Gutierrez and Lucy Torres-Gomez tuwing Sabado, 6:00 p.m.. Up next ay ang pagbabalik-tahanan nina Ogie Alcasid at Gelli de Belen via Tropa Mo Ko Unli, 7:00 p.m..

Susndan ito ng popular game show sa Amerika na Killer Karaoke at 9:00 p.m. hosted by Michael V. Capping your Sabado night is the late night comedy talk show na What’s Up Doods? na obviously ay si Edu Manzano ang babangka.

Ganap namang 6:00 p.m. tuwing Sunday, samahan si Aga Muhlach sa all-new season ng Pinoy Explorer followed by Vic Sotto’s Who Wants To Be A Millionaire.

Mga nakatatawang pranks ang hatid muli ng Wow Mali Pa Rin at 9:00 p.m. hosted by Joey de Leon. The last of these primetime shows is a musical variety treat hosted by Sharon Cuneta and Ogie Alcasid, ang The Mega and The Songwriter.

Ronnie Carrasco III

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top