Friday , October 2 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sharon, ‘di feel ang unang show sa TV5 (Kulang daw kasi ng heart at wisdom ni Galvante )

Sharon, ‘di feel ang unang show sa TV5 (Kulang daw kasi ng heart at wisdom ni Galvante )

PAGKATAPOS ng Q and A ng TV5 sa grand launching ng shows nila ay gusto sana naming makausap pa si Sharon Cuneta tungkol sa pagkakadawit ng asawang si Senador Kiko Pangilinan sa pork barrel scam pero kaagad kaming hinarang ng MIB marshalls para pumasok sa holding area ng SM Megamall function room B.

Ang unang ibinigay na katwiran sa amin ng taga-TV5 ay, “mamaya po kasi nagre-retouch, mine-make-apan pa po.”

Pagkalipas ng ilang minuto ay muli kaming nagtanong kung puwede nang makausap ang Megastar at ang sagot na sa amin, ayaw na raw nitong magpa-interview dahil kakanta pa ito ng tatlo (sa trade launch ng mga show ng TV5).

Nagpaalam na lang kami at sabay alis dahil may family day din kami ‘no!

Anyway, sa ginanap na launching ay nagbitaw ng salita si Sharon tungkol sa nakaraang dalawang taon niya bilang TV5 talent.

“I’m happy with TV5 now, it took me two years with ma’am Wilma (Galvante), my super tita, truly from my heart because she takes care of us na parang nanay naming lahat, especially me. So I’m happy, a very happy finally Kapatid,” bungad niya.

Hiningan ng paliwanag ang TV host/singer/actress tungkol sa sinabi niyang ito.

“Wala pa kasi si ma’am Wilma noon,” tumatawang sabi ni Sharon na panay naman ang pigil sa kanya ng TV executive na huwag ng mag-elaborate pa dahil baka maging isyu. Pero nagpahayag si Mega ng, “I’m sorry ma’am, I have to say it.”

”Parang kulang ng heart at saka frankly (speaking) kulang ng wisdom ni ma’am Wilma sa pag-iintindi sa aming mga artista. Ako in particular, parang ngayon nararamdaman kong I’m part of TV5 family, I’m a Kapatid.  I’m not just an employee, there’s a very big different between being a plain paid employee and being treated like one and being part of a station as an artist resident.

“So, ma’am Wilma understands that because she run GMA 7 for a long, long time and a lot of that station we are all looking for her and when she entered, parang lumiwanag ang araw, frankly, that’s how.  I just want to clear-up, I don’t make faces, you know me,” katwiran naman ng TV host.

At looking forward si Sharon sa bagong format ng programang musical nila ni Ogie, “completely new and it’s the first time I want to do musical with another really, well for me Ogie is the newest master in Philippine music, so first time na may partner ako na song writer.

“Ogie is going to write a new song every single week and then were going to sing requests from the audience, from home viewers also we’re going to write us on face book and twitters tapos, of course we’re going to have special numbers and also special guests.

“So it’s going to be all new, more interactive than anything else I’ve ever done. And we’ll have new numbers every week, nice production numbers together, I’ll be singing his songs, he’ll be singing my song, and then we’ll do numbers with our guests also so, I’m very, very excited for this show and it’s going to be a great one,” masayang kuwento ni Sharon.

Viva, out muna sa show ni Sharon sa TV5

AT dahil sa sinabi ni Sharon ay si Ms WilmaV. Galvante naman ang tinanong namin tungkol dito.

“Actually kasi, hindi nagkaroon ng bonding o mabuting pag-uusap ang TV5 at Viva TV kaya ganoon. Sabi ko nga kay Sharon, hayaan mong kami (TV5) muna ang mag-produce ng programa mo at saka na ulit tayo mag-usap ng Viva kung anong next.

“Sabi ko kay Sharon, magsabi sila ng bago mong show, tingnan natin. Kaya sa ngayon, TV5 muna ang producer ng show niya, hindi produced ng iba o co-producer. Solo ito ng TV5,” kuwento sa amin.

Sa madaling salita ay hindi nagustuhan ni Sharon ang una niyang programang Sharon, Kasama Mo Kapatid sa nasabing TV network noong lumipat siya.

At sa pagpasok ni WVG ay ngayon lang ulit nabuo ang The Mega and The Song Writer na isang musical show at Madam Chairman na isang dramedy na gustong-gustong gawin ni Sharon.

(REGGEE BONOAN)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top