Tuesday , September 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Cong. Manny Pacquiao walang karapatan payohan si Wally Bayola

Cong. Manny Pacquiao walang karapatan payohan si Wally Bayola

WE have nothing against Cong. Manny Pacquiao lalo pa’t kababayan namin ang boksingerong politiko sa GENSAN.

Pero ‘yung magbigay siya ng payo sa nasa hot seat ngayong Dabarkads natin na si Wally Bayola na dapat umanong magsisi at magbago ang komedyano, para sa amin ay da height ‘yan ng kaplastikan! Mabuti sana, kung sakdal linis si Manny na never nagkasala sa Diyos. Hindi ba’t noong kasagsagan ng kanyang fame bilang boxing champ ay wala na siyang ginawa kundi ang pumatol sa mga sikat nating female celebrity na hinahaluan pa niya ng sugal (sabong at casino). Hindi namin sinasabing masamang tao ang nasabing kongresista pero parang off naman sa tulad niya ang pangaralan si Wally. Unang-una inosente ang host ng Eat Bulaga sa lumabas na sex video scandal nila ng dating EB Babes member na si Yosh Rivera. Na umano ang nasabing dancer ang may pasimuno para kumalat ang video sa social media. Saka, si Wally na mismo ang nagparusa sa kanyang sarili kaya hangggang ngayon ay wala siya sa Eat Bulaga at ‘di na rin nag-taping sa isa pang weekly show sa GMA 7 na “Celebrity Bluff” kasama ang tandem na si Jose Manalo at Eugene Domingo. Saka dapat ‘di tayo one track minded at maging judgemental no! Huwag rin kalimutan ang mga nagawang mabuti at pagpapasaya sa inyo ni Wally sa Bulaga!

Mga ipokrita gyud!

ENCHONG DEE AT ENRIQUE GIL,  MATINDI ANG KOMPETISYON

KAPANSIN-PANSIN na kina Enchong Dee at Enrique Gil naka-focus ang mga eksena lately sa “Muling Buksan Ang Puso.”

Patalbugan ang dalawa sa kanilang mga eksena. Reminds us of Coco Martin and Paulo Avelino in Walang Hanggan. Base sa nakikita naming performance nina Enchong at Enrique, hindi nagkamali ang ABS-CBN sa pag-build up sa kanilang bilang ultimate leading man at versatile actor. Malaking challenge kay Enrique ang maka-eksena ang mga de-kalibreng aktor na sina Susan Roces, Cherie  Gil at Agot Isidro. Idagdag pa ang scenes with Daniel Fernando bilang ama niya. While si Enchong  naman ay na-challenge na kaeksena si Christopher de Leon, bilang lider ng sindikato na napasukan. Sa pagtatapos ng Muling Buksan Ang Puso, no doubt na naka-develop na naman ang ABS-CBN ng dalawang matinik na leading men. Panoorin sila gabi-gabi sa Primetime Bida ng Kapamilya network pagkatapos ng Got To Believe.

Folk, rock sa acoustic

BOBBY MONDEJAR & FRIENDS KASAMA SI NOEL CABANGON SA MOOMBA SA SEPT. 11 NA

SEPTEMBER 11 will be a throwback Wensdate since you’ll be listening and enjoying the sounds of 70s, 80s and even 90’s. Hindi naman holiday, dahil ito ay regular na weekday at higit sa lahat dalawang araw pa bago mag-weekend pero feeling Friday night ka na ba?! Pwes, ipagpag na ang feelings na ‘yan sa Moomba Bar Cafe, ngayong gabi (Miyerkoles) at 7:30 PM at pakinggan, makikanta, makisayaw at makitambol sa himig nina BOBBY MONDEJAR & FRIENDS kasama ang Baritone Voice of the Philippines na si NOEL CABANGON. Si Noel Cabangon ang boses sa likod ng KANLUNGAN (sabi ng iba kapag nagre-request, pana-panahon), isang awiting tiyak na “ibabalik ka sa iyong kamusumusan.”

Para sa mga regular and avid fans ng Bobby Mondejar & Friends (na kinabibilangan nina Boy Collado, Joey Urquia, Wally Singson at Breezy Mondejar), ang himig ng banda ay taga sa panahon (original composition man o cover version ng mga kilalang folk & rock band/group or individual sa buong mundo). Isang acoustic band, pero gugulatin kayo ng Bobby Mondejar & Friends kung paano nila mahusay na naisasalin ang maharot, malikot at nakakikiliting  tunog ng pamosong HOTEL CALIFORNIA ng Eagles sa mga hawak nilang acoustic instruments.

Si Mondejar, ang leader of the band, vocals at   guitar;  si Collado, vocals at guitar; si Urquia, vocals, harmonica, at  guitar;  si Singson, vocals, wind and percussion; at si Breezy Mondejar, vocals and percussion.

Sa umpisa’y iduduyan nila kayo sa pamamagitan ng folk songs na sumikat noong 70s, 80s and 90s. Paiindakin din nila kayo sa pamamagitan ng mga classic medley, dicso songs, reggae at soft rock ng mga kinilalang banda sa loob ng apat na dekada. Kasunod n’yan isi-swing nila kayo sa tugtog at kanta ng mga lokal na banda sa bansa at muli nila kayong paiibigin sa komposisyon ng ating mga Filipino balladeer and pop singers promise … kahit maputi na ang buhok ninyo.

Pero higit silang pinapalakpakan sa kanilang mga orihinal na komposisyon gaya ng Morena, Let’s Spend The Night at I Still Believe In Us Together. Orihinal na miyembro ng pamosong HIYAS Band , noong 70s & 80s, pinasikat nila ang mga awiting High School Memories, If you Still Love Me, I Don’t Want You, I Still Believe In Us Together, I’m A Loser, I Can’t Get You Out Of My Mind, Afraid of  Love, Bad Times Are Good Times, at Never Gonna Make It Without You. Karamihan dito ay ginamit na soundtrack para sa pelikulang Bagets ni Aga Muhlach noong 1984.

Noong 1981, ang HIYAS Band ay naging front act ng Little River Band (kumanta ng Cool Change at Reminiscing) sa Folk Arts Theatre (Tanghalang Francisco Balagtas) nang magdaos ng concert sa bansa ang nasabing Australian rock band. Para sa detalye at tickets makipag-ugnayan kay Ms. Blenda 0932.849.5778 at kay Ms. Paz sa Moomba sa telepono bilang 371-1973; 371-2487; 431-9431; 373-2487 o kaya i-LIKE sa Facebook ang https://www. facebook.com/BobbyMondejarFriends.

Peter Ledesma

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top