Saturday , September 26 2020
Breaking News
You are here: Home / Sports / Suko na ang Air 21

Suko na ang Air 21

Tanggap na ng Air21 ang kapalaran nito at nakatuon na lang ang pansin ng Express sa susunod na PBA season na mag-uumpisa sa Nobyembre.

Kasi nga’y lubhang mahirap na para sa kanila na makausad pa sa quarterfinals ng kasalukuyang Governors Cup kung saan sa oras na isinusulat ito ay isang panalo pa lang ang naitatala nila.

Kaya nga ipatatapos na lang nila sa import na si Zach Graham ang nalalabing mga laro at hindi na sila susubok pa ng ibang reinforcement.

Bukod dito ay sinisimulan na rin nilang maghanda para sa susunod na season.

Kabilang sa paghahandang ito ang pagkuha nila kina Paul Asi Taulava at Mark Borboran buhat sa Meralco kapalit nina Mike Cortez at James Ryan Sena.

Sa totoo lang, hindi naman makapaglalaro na para sa Express sina Taulava at Borboran hanggang sa dulo ng kasalukuyang torneo.

Si Taulava ay hindi na naglaro sa season na ito ng PBA dahil sa lumipat siya sa San Miguel Beermen sa ABL pero patuloy na hinawakan ng Meralco ang kanyang rights.

Si Borboran naman ay nagkaroon ng injury at hindi na nailagay ng Bolts sa kanilang active list.

So, nabawasan lang ng dalawang players ang Air 21 sa Governors Cup.

Kung Baga’y tinganggap na lang ng Air 21 ang masaklap nitong kapalaran sa season-ending tournament.

Ang tanong lang diyan ay kung mapapakinabangan nga nila ang mga manlalarong nakuha nila sa Meralco? Kasi baka sa dakong huli ay hindi rin maglaro sa kanila si Taulava at hindi na rin maging aktibo si Borboran.

So, nawalan lang ng players ang Air21!

Sabrina Pascua

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top