Tuesday , September 22 2020
Breaking News
You are here: Home / Sports / San Beda target sumalo sa liderato

San Beda target sumalo sa liderato

Pagsosyo sa unang puwesto ang target ng defending champion San Beda College sa pagtutunggali nila ng Jose Rizal University sa 89th National Collegiate Athletic Association (NCAA) Men’s Basketball Tournament mamayang 4 pm sa The Arena sa San Juan.

Sa ikalawang senior division game sa ganap na 6pm ay magtutunggali ang San Sebastian College at Arellano University.

Kung makakaulit ang Red Lions sa Heavy Bombers na tinalo nila, 65-41, noong Hulyo 20 ay tatabla sila sa nangungunang Letran Knights na mayroong 9-2 karta.

Ang JRU ay nasa ika-apat na pwesto kasama ng San Sebastian sa record na 5-5 samantalang ang Arellano ay nasa ika-siyam na puwesto sa record na 3-7.

Nakalalamang ang Red Lions sa Heavy Bombers sa dami ng kanilang big men kung kaya’t siguradong madodomina nila ang shaded area.

Kabilang sa mga higante ni coach Boyet Fernandez sina Olaide Adeogun, Kyle Pascual at Anthony at David Semerad.

Ang firepower ay magbuhat naman kine Rome Dela Rosa, Arthur Dela Cruz, Baser Amer at Ryusei Koga.

Ang Heavy Bombers ni coach Vergel Meneses ay galing sa masaklap na 57-55 kabiguan buhat sa St. Benilde Blazers noong Lunes.

Ang Heavy Bombers ay pinamumunuan nina Phillip Paniamogan, Paolo Pontejos, Cris dela Paz at Michael Mabulac.

Balikatan ang naging laban ng Stags at Chiefs sa kanilang unang pagkikita at bahagya nang nakaungos ang SSC, 78-76, noong Hunyo 27.

Dinurog ng Stags ang EAC, 90-69 sa kanilang huling laro noong Huwebes kung saan nagbida sina Jovit Dela Cruz at Jamil Fortuoste.

Umaasa si coach Topex Robinson na maipagpapatuloy ng Stags ang maganda nilang performance upang makarating sa Final Four.

Malaking disappointment naman sa liga ang Arellano University na isa sa mga pre-tournament favorites. Isa sa dahilan kung bakit hindi maka-alagwa ang Chiefs ay dahil sa masama ang performance ni James Forrester.

Ang Chiefs ay sumasandig kina John Pinto, Prince Caperal, Levi Hernandez, Zachary Nicholls at Ralph Salcedo.

Ni sabrina pascua

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top