Saturday , September 26 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sam Concepcion, magpapa-sexy na rin sa movies?

Sam Concepcion, magpapa-sexy na rin sa movies?

NAGBAGONG image na si Sam Concepcion bilang isang performer. Obvious ito sa kanyang latest album na Infinite ng Universal Records.

Kaya nang makapanayam namin si Sam, inusisa namin ang binata kung ganoon na rin ba ang magiging attitude niya as an actor?

“Sa movies? Oo naman. Kung ginawa ko sa music ko na wala akong limitations, ‘di ba? E‘di ganoon din sa movies,” wika niya.

So, kaya mong maging da-ring, mag-all out na rin sa mo-vie?

“Depende, kung ano ang ibig sabihin ng all-out. Pero, nasa material naman iyan e, it’s all about the materials, iyong content, the context…”

Dahil bitin ang tugon niya, inusisa namin kung kaya na ba niyang sumabak sa love scene o magpakita sa big screen na naka-underwear lang.

“Huwag naman tayong sumobra, dahan-dahan lang,” mabilis na sagot ni Sam sabay banat ng halakhak. “Pakonti-konti lang muna tayo,” nakatawang pahabol pa ng singer/actor.

Idinagda ni Sam na hindi naman niya gagawing biglaan ang kanyang transformation sa movies na magiging OA na siya na tulad ng ginawa ni Miley Cyrus sa nakaraang VMA.

“Siyempre pagdating naman sa pushing your limitations, hindi naman iyan isang mala-king push, e. Siyempre tinutulak mo lang iyan nang pakonti-konti  hanggang  malaman mo iyong edge, ‘yung dulo mo talaga.

“So, hindi naman kayo magugulat na bigla na lang sumobra, na mag-o-OA na… magma-Miley Cyrus ako na magwawala… Hindi naman ganoon, hindi naman.

“Unti-unti, hindi naman ganoon, kasi medyo binigla niya ‘yung mga tao talaga e, sumobra… sumobra…”

Nang tanungin pa namin ang binata kung handa ba siyang makapareha sa pelikula si Jasmine Curtis Smith na napapabalitang kasintahan niya, nakangiting sagot niya ay, “Oo naman, best supporting actress siya e, bakit naman ako hihindi, ‘di ba?

“Lalo na siyempre gusto kong makatrabaho ang isang best supporting actress ng Cine-malaya,” nakatawang pagtatapos ni Sam na ang tinutukoy ay ang pagkakapanalo ng youner sister ni Anne Curtis sa katatapos lang na Cimalaya 2013 para sa pelikulang Transit.

Benjie Paras,

pinuri si Kathryn Bernardo

GINAGAMPANAN ni Benjie Paras ang papel na Chito Tampipi sa hit primetime series na Got to Believe ng ABS CBN. Anak niya rito si Chichay na siyang karakter naman ng teenstar na si Kathryn Bernardo.

Ayon sa dating PBA star, natutuwa siyang makasama si Kathryn dahil magaling daw na aktres, masayahin, at very professional kaya magaan ang kanilang trabaho.

Ano ang role niya sa ser-yeng ito na pinagbibidahan nina Kathryn at Daniel Padilla?

“Asawa ko rito si Manilyn Reynes and anak namin si Kathryn and lumaki siya sa perya-han. Dito nagsimula lahat, dito niya na-meet si Daniel at dito lahat na-reveal kung ano iyong buhay ng bawat isa sa amin,” esplika ng komedyante.

Ayon kay Benjie, natutuwa siya sa muling pagtatrabaho sa bakuran ng Kapamilya Network. “Mabuti naman ako dahil I think it was year 2000 noong nagtrabaho ako rito saABS-CBN and ngayon lang ako nakagawa ulit ng teleserye.”

Nonie V. Nicasio

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top