Tuesday , September 22 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Pasugalan sa Alfonso, Cavite timbrado kay Major Dimaya, hepe at dalawang konsehal ng bayan?

Pasugalan sa Alfonso, Cavite timbrado kay Major Dimaya, hepe at dalawang konsehal ng bayan?

00 Bulabugin

AKALA natin ay mayroon talagang ipinatutupad na “NO TAKE POLICY” si PNP chief, Dir. Gen. Alan Purisima.

Pero mukhang wala naman kasi TULOY-TULOY lang ang ligaya ni Chief Insp. Romulo Dimaya, ang hepe ng Alfonso Cavite.

Kung ‘yung sa Pasay City ay kupitan este kapitan, eto namang sa Cavite ay MAJOR … major, major problem ni PNP chief Purisima.

Aba mantakin n’yo naman, mula umano nang maging hepe d’yan sa Alfonso si Dimaya ay lalong dumami ang mga pasugalan.

‘Yan ba ang EXPERTISE mo Major Dimaya?

Ipinagmamalaki umano ni Major Dimaya na walang pwedeng bumangga sa kanya dahil direkta siya kay

Provincial Director C/SUPT. ALEXANDER DE GUZMAN RAFAEL at kay CALABARZON Regional Director C/SUPT JESUS GATCHALIAN.

Kaya naman ang SAKLA ay minamaniobra umano sa mismong palengke ng Alfonso, Cavite.

Kaya  malakas man ang pagtutol ng mga residente ay wala silang magawa kasi nga hawak ni HEPE kasabwat pa umano ang dalawang KONSUHOL este KONSEHAL ng bayan bilang protektor.

Kilala kaya nina Konsehal Felix Baiya at Berting Kailing ang mga konsuhol na protektor ng mga sugalan d’yan sa Alfonso?

Isang alyas Edy Rollon naman umano ang itunuturong operator ng sakla at meron din siyang sabungan na nakabase naman sa Brgy. Manggas. Mula Huwebes hanggang Linggo umano kung magpalaro at may TARA na P2,500 kada isang araw ang mga opisyal ng pulisya partikular na umano si RD Jesus Gatchalian na kinokolekta ng isang SPO3 Paquito Chan, Jr.

Si Chan umano ay nagpapakilalang ‘bagman’ ni Gatchalian. ‘Yan daw ang dahilan kung bakit walang pwedeng makialam sa talamak na pasugalan sa Alfonso, Cavite.

PD Alexander DG Rafael, ‘yan ba ‘yung sinasabi ni PNP chief Alan Purisima na NO TAKE POLICY?

Paki-esplika nga po!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.7630 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top