Monday , April 6 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / NCRPO chief C/Supt. Marcelo Garbo sinusuwag ni Sr/Insp. Prudendcio Lumapat ng Pasay PNP PCP 8!?

NCRPO chief C/Supt. Marcelo Garbo sinusuwag ni Sr/Insp. Prudendcio Lumapat ng Pasay PNP PCP 8!?

00 Bulabugin

KANINO kaya nanghihiram ng ‘SUNGAY’ at ‘KAPAL NG MUKHA’ ang isang Senior Inspector Prudencio Lumapat  ng Pasay City police PCP 8?

Ibang klase kasi ang ipinakikita niyang tigas at angas kay NCRPO chief, Gen. Marcelo Garbo.

Matagal na palang ipina-RELIEVE ni GEN. GARBO si KUPITAN ‘este’ KAPITAN LUMAPAT sa kanyang pwesto bilang Pasay PCP 8 dahil doon lang pirming nakababad sa loob ng Resorts World Hotel & Casino pati na raw ang kanyang mga tauhan. Mismong si Gen. ‘Bogart’ pa nga raw ang nakahuli sa mga lespu sa loob ng Resorts World.

Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin umaalis doon. Ni hindi pa nga nakaligpit ang mga gamit ni Kapitan Lumapat.

Ayon sa isang unimpeachable source, overstaying na nga raw si Lumapat d’yan sa PCP-8 at kaya ayaw lumayas d’yan ay dahil tumatanggap umano nang hindi bababa sa P200,000 kada buwan ang nasabing PCP sa mga tangga galing sa ilegal na terminal at overtime mula sa RW Casino.

Deklarado kaya ‘yan?!

O baka si S/Supt. Rodolfo Llorca at kupitan este Kapitan Lumapat lang ang nagkakaalaman at nagkakalapatan?

Ang katwiran pa raw ni kupitan este Kapitan Lumapat kung bakit hindi pa siya umaalis sa nasabing PCP ay dahil siya ang nagbabantay sa ipinagagawang bagong bahay ng kanyang bossing!?

KERNEL LLORCA, ikaw ba ang tinutukoy na bossing ni Kap. Lumapat?

Aha!

If this is true, bilib na ako … wala pang dalawang taon sa Pasay City ‘e, nakapagpapagawa na ng bagong bahay si KERNEL LLORCA?!

Ang GALING, GALING mo Kernel LLORCA.

Alam kaya ni Chief Supt. Jose Erwin Villacorte ‘yan?!

Mukhang MADE na MADE ka na d’yan sa Pasay City KERNEL LLORCA.

‘Yan ba ang dahilan kung bakit, MALAKAS ang LOOB ni kupitan este KAPITAN LUMAPAT na suwagin ang utos ng bossing ninyong si GEN. GARBO?!

Aba, GEN. GARBO, kung isang kupitan este kapitan lang ang sumusuway sa UTOS mo at tila nagmamalaki pa ‘e nanganganib ang reputasyon ng iyong liderato.

Ano na lang ang sasabihin sa iyo ng iba mo pang opisyal?!

Sa isang KUPITAN este KAPITAN pa lang ay nagiging LAME DUCK ka na?!

Gen. GARBO, bakit hindi mo subukang ipa-LIFESTYLE check si KERNEL LLORCA?!

Baka isang araw ‘e magising na lang tayong narito na sa Pinas ang lahat ng MONEY LAUNDERER sa Asia at naglalabada ng kwarta sa Resorts World Casino … na mga de-escort pa?!

Gen. GARBO, hahayaan mo bang sinusuwag-suwag ka lang ni KUPITAN este KAPITAN LUMAPAT?!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.7630 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top