Sunday , September 20 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Maricel, nawala na ang katarayan

Maricel, nawala na ang katarayan

NAKATUTUWA si Maricel Soriano noong press conference ng pelikulang Momzillas. Santang-santa siya sa kabaitan! Puring-puri n’ya ang mga kasamahang young star sa pelikula na sina Billy Crawford at Andi Eigenmann. Malayong-malayo ang asta n’yang ‘yon sa umano’y pananaray n’ya noon kay Gerald Anderson na siyang naging dahilan para mapalitan siya sa teleseryeng dapat sana ay magtatampok sa kanila ng batang aktor.

Pero behaved na behaved din naman ang showbiz press ng tanghaling iyon. Walang nangahas na sirain ang mood ng tinaguriang Diamond Star sa pamamagitan ng pag-uungkat ng mga kapalaluang kinasungkatan nito mga ilang buwan lang ang nakaraan.

Si Eugene Domingo ang pangunahing kabituin ni Maricel bilang matataray at matatapang na single mothers sa Momzillas (na ang titulo ay kuha sa foreign film naGodzilla, para sa mga kabataang mambabasa na ‘di inabot ang kasikatan ng nasabing monster film). At si Eugene man ay alam ang mga pinagdaanan ni Maricel, pati na siguro ang napabalita noon na umano’y pagmamalupit ng Diamond Star sa dalawa n’yang katulong) kaya ang sweet-sweet din n’ya sa aktres na ang kahusayan ay hinahangaan umano n’ya noon pa man.

Kung may nagkamali siguro noong tanghaling iyon na sirain ang mood ni Maricel, baka nag-walk out ito sa sarili n’yang press-con.

Very refreshing ang behavior ni Maricel ng tanghaling iyon kahit na wala naman siyang sinabing bago tungkol sa sarili n’ya. Ang very revealing lang na sinabi n’ya ay ang pagiging napakadaldal daw ni Billy  na siyang gumaganap na anak n’ya sa pelikula.

Danny Vibas

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top