Thursday , November 26 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Judy Ann Santos kapamilya pa rin (Malapit nang mag-renew ng contract!)

Judy Ann Santos kapamilya pa rin (Malapit nang mag-renew ng contract!)

SABI na nga ba’t hindi aalis ng ABS-CBN si Judy Ann Santos. Hayan at kalat na ang balitang bago matapos ang buwang ito ay nakatakda nang mag-renew ng kanyang contract si Juday sa kanyang mother network at siya na ang host sa franchise show na produced ng Dreamscape Entertainment Television ni Sir Deo Edrinal. S’yempre ‘yung iba pang show na gagawin ng sikat na actress sa Kapamilya ay pag-uusapan pa pagkatapos ng renewal nito. ‘Yung sinasabing offer ng TV 5 kay Juday ay movie ‘yun at wala pang balita kung tinanggap na niya ang project o hindi? Para sa amin right career move ang hindi pag-alis ng alaga ni Mama Alfie sa ABS-CBN dahil dito mapapangalagaan ang status niya bilang Reyna ng Pinoy Soap Opera na siya lang ang nagmamay-ari.

So, malinaw na koryente ‘yung news sa social media na magiging Kapuso na si Juday dahil gagawa siya ng programa rito.

Wise descision gyud!

TYRONE ONEZA, VERY PROUD

SA KANYANG NEWEST ALBUM

NA GAWA NI HITMAKER

VEHNEE SATURNO

Pagkatapos mag-guest ni Tyrone Oneza sa ilang malalaking concerts na nitong huli ay nagkasama pa sila sa Asia-Pacific Bikini Summit ng isa sa maituturing na close sa showbiz na si Francine Prieto. Naging abala rin si Tyrone sa para sa recording ng kanyang newest album na ang producer ay ang hitmaker na si Vehnee Saturno, na may dalawang original compositions na “Dito Sa Aking Piling” at “Hanggang Ngayo’y Ikaw. Ginamit rin ni Tyrone ang pinagtulungan nilang i-compose ng late mother niya na “Nag-iisa Akong Maghihintay Sa ‘Yo” na nilapatan niya ng melody ng sikat na old song. The rest ay pawang revivals na like Pangako popularized by Kindred Garden, Kahit Konting Pagtingin ni Ric Sigreto, Naghihinayang na pinasikat ng Jeremiah, Minsan Lang Kita Iibigin ni Ariel Rivera at ang duet ni Tyrone with talent from Barcelona Spain na si Martina Ona para sa awiting “Sinta” na isang hit song ng grupong Aegis. Nang ma-interview namin recently lang si Tyrone ay sinabi niyang super proud siya sa ginagawang album at excited na siya sa release nito next month. “Nawala ako nang matagal na panahon sa showbiz so kailangan masulit ‘yung comeback ko para sa mga dati at bago kong tagahanga. Sobrang nag-enjoy ako sa recording ng lahat ng songs kasi lahat magaganda at sigurado ako na magugustohan ito ng lahat.”

“Very thankful, talaga ako kay tito Vehnee at pinagkatiwalaan niya akong bigyan ng songs. Alam naman natin na marami siyang pinasikat na singers kaya masuwerte ako at nakatrabaho ko siya. Sana, suportahan nila ang album ko paglabas sa market,” say ni Tyrone Oneza.

Look-Up Dance Step Pasisikatin

Ni Aleng Maliit Ryzza Mae Dizon

Pagkatapos mag-hit sa Pinas at iba’t ibang bansa partikular na sa buong Asya ang Cha-Cha Dabarkads ni Aleng Maliit Ryzza Mae Dizon, isa na namang bagong-bagong dance craze ang pasisikatin ni Ryzza at ito ay ang “LOOK UP!” na actually ay famous na sa mga avid and regular viewer ng kanyang Morning Talk Show na “The Ryzza Mae Show.”

E, kaya nauso ito ay dahil walang leeg (hindi kita ang leeg) ni Aleng Maliit kaya tuwing magpi-picture siya ay naka-look up. For sure pagkatapos i-launch sa Eat Bulaga ang bagong dance step ni Ryzza ay magiging uso na naman gamitin ito sa iba’t ibang event. Matatandaang ilan sa mga sumikat sa Eat Bulaga ay ang Itaktak Mo, Kagat-Labi, Shembot, Jump Brother atbp.

Peter Ledesma

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top