Sunday , September 20 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Hubo’t hubad na pictorial ni Daiana, suportado ng asawa

Hubo’t hubad na pictorial ni Daiana, suportado ng asawa

NAKITA namin ang Brazilian TV host at model na si Daiana Menezes sa Araneta Coliseum kamakailan na nanood ng laro ng basketball kasama ang kanyang mister na si dating Kongresista Benjo Benaldo.

Parehong nag-enjoy ang dalawa ng laro ng La Salle at University of the East at kasama pa nila ang ina ng aktres.

Dating nag-aral sa La Salle ang mister ni Daiana kaya nandoon ang mag-asawa sa Araneta upang suportahan ang Green Archers na nanalo pa sa overtime.

Sa aming pag-obserba, sweet na sweet sina Daiana at ang kanyang mister kaya masasabi natin na tila nag-move-on na sila mula sa unos sa kanilang buhay nang naglabas si Daiana ng mga retrato sa Instagram tungkol umano sa pag-abuso ni Benaldo sa kanya.

Humantong pa ito sa pagttangka ng kongresista na magpakamatay dahil natalo siya sa eleksiyon.

Nang nakausap namin si Daiana, sinabi niya na lalong naging matatag ang relasyon nilang dalawa ni Benaldo pagkatapos ng mga unos. Katunayan, suportado ng kanyang mister at ina ang kanyang hubo’t hubad na pictorial para sa isang magasing panlalaki.

Sa ngayon, busy sa corporate shows at TV guestings si Daiana mula noong kumalas siya sa Eat Bulaga.

James Ty III

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top