Sunday , March 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Billy, naka-move-on na raw pero hindi pa handang magmahal muli

Billy, naka-move-on na raw pero hindi pa handang magmahal muli

KASAMA si Billy Crawford sa pelikulang Momzillas na bida sina Maricel Soriano at Eugene Domingo. Gumaganap siya rito bilang anak ng Diamond Star.

Sa presscon ng Monzillas,  sinabi ni Billy na naaawa raw siya kay Andi Eigenmann na co-star niya sa pelikula dahil nadadawit ito sa hiwalayan nila ni Nikki Gil. Si Andi kasi ang sinasabing third party sa hiwalayan nina Billy at Nikki na ayon naman sa  una ay walang katotohanan.

“Naaawa ako dahil nadadamay siya na hindi naman siya dapat madamay. So, I have to protect naman ‘yung mga kaibigan ko,” sabi ni Billy.

Hindi naman daw nainis si Bily noong  unang lumabas ang isyu sa kanila ni Andi.

“I expected things to come out, but I didn’t expect that amount. Pero hindi ako naiirita, given na ‘yun, eh.”

Kamusta na ba siya ngayon after nilang maghiwalay ni Nikki?

“I’m good. I’m very blessed to be back.  I’m blessed to be working and blessed with friends.

Kahit naka-moved on na sa paghihiwalay nila ni Nikki ay hindi pa raw ready na muling makipagrelasyon o magmahal si Billy.

Speaking of Eugene, ayon sa kanya zero raw ang lovelife niya ngayon as in wala siyang karelasyon. Sa tanong sa kanya kung may sex pa rin siya kahit walang boyfriend, ang sagot niya ay, ”’Yun namang tanong na ‘yun, napakabobo, ‘di ba? Siyempre, wala!”

At least si Eugene hindi gaya ng ibang artistang babae na kahit walang boyfriend ay may sex na nagagawang makipag-dyugdyugan kahit hindi naman karelasyon ang ka-sex ‘di ba? Usong-uso ‘yan sa showbiz, ang nagtitikiman.

Rommel Placente

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top