Friday , November 27 2020
Breaking News
Warning: mysqli_query(): MySQL server has gone away in /home/hataw/public_html/wp-includes/wp-db.php on line 2007

Warning: mysqli_query(): Error reading result set's header in /home/hataw/public_html/wp-includes/wp-db.php on line 2007

Warning: mysqli_query(): MySQL server has gone away in /home/hataw/public_html/wp-includes/wp-db.php on line 2007

Warning: mysqli_query(): Error reading result set's header in /home/hataw/public_html/wp-includes/wp-db.php on line 2007
You are here: Home / Showbiz / Andi, hiniling na irespeto ang mga sinabi ni Billy

Andi, hiniling na irespeto ang mga sinabi ni Billy

NAGSALUHAN sina Billy Crawford at Andi  Eigenmann sa press conference ng Momzillas ng Star Cinema Productions sa tanong sa kanila sa naging isyu nila noon na na-link sila sa isa’t isa.

Sabi ni Billy, ”Nakahihiya nga sa mga kasama ko ngayon (Maricel Soriano, Eugene Domingo at iba pa). Kasi, na-isyuhan na ako na bading ako, addict, na-link sa tatlong babae. Na ‘yung isa raw nabuntis ko pa. Whatever I say, kung ano naman ang gusto nilang paniwalaan, ‘yun pa rin ang mangyayari. Nahiya ako kay Andi to be dragged sa ganoong klase ng isyu. Na nadamay pa siya sa personal life ko.”

At si Andi naman, mahahalatang wala ngang kinalaman sa nasabing pag-uugnay sa kanya sa leading man niya sa nasabing proyekto.

Aniya, ”Maraming beses akong natanong about that in the past. Ang sa akin, irespeto na lang natin si Billy. Kasi, sinagot na rin niya at nilinaw ‘yan before. That’s really how it is. So, ‘yun ang sinabi niya. ‘Yun ang tanggapin natin. Respeto na lang.”

Marami naman ang nakapuna sa pagiging guwapo ngayon ng actor na ilang araw lang namang nawala para hanapin ang kanyang sarili. At sabi nga nito, pupunta siya ng Amerika para na rin makasama ang pamilya. Pero ilang araw lang eh, namulatwan na saIt’s Showtime ang nasabing host.

Hindi na nagkaroon ng follow-up sa mga tanong kay Billy dahil umalis na agad ito at ang iba pang stars after the presscon.

Kaya, hindi nasagot ang tanong kung nag-stopover ba siya in Singapore from his trip to the US na roon hinanap ang sarili.

Mapapanood na ang Momzillas ni direk Wenn V. Deramas simula sa September 18, 2013.

Ano ang intensiyon sa paglabas ng scandal video ni Wally?

SINO ba naman ang hindi magugulat sa bubulaga sa ‘yong video na ang mapapanood eh, ang kamukhang-kamukha ng isa sa mga co-host sa  Eat…Bulaga! na si Wally Bayola.

Sa nasabing sex video, itinuro na nga na si Wally ito at umano eh,ang EB Babe na si Yosh.

Reaction ko?

Nakakatawa. Kasi, parang ginamit ito—totoo man o hindi para ma-divert lang ang atensiyon natin sa pinaka-focus ng mga ikot ng buhay ng bawat mamamayan sa panahong ito.

Eh, pakialam ba natin kung may sex video si Wally o kung sinumang kapareha niya sa kinunang video na ‘yun. Feeling ko nga, kung siya man ito at ang ka-sex niyang babae, malamang na matagal na itong ginawa.

Puwedeng sa panahong may problema siya kung nagkalabuan man sila ng misis niya.

At kung lumabas ito ngayon, ano ang intensiyon ng naglabas? Ninakaw din ba niya ang hard drive? Ang misis ba ni Wally na si Riza ang naglabas nito? Kaibigan ba ni Wally? Kaaway?

May mga anak na babae si Wally. ‘Yun na lang.

Sa ngayon, kita niyo naman ang reaksiyon nang sandaling umingay ito. Parang nakiuso na lang daw sa nauna. Pinagtawanan pa nga, eh.

Kasi nga, mas may makabuluhang mga bagay na mas dapat na bantayan ang netizens sa araw-araw na dumaraan. Makapanood ka ng video na ganito, bukas-makalawa, nakalimutan na ‘yan.

Pero ‘yung ipinaglalaban ng naghihimagsik na damdamin ng bawat isa sa atin, patuloy lang pinag-aalab ng galit, inis, inip kung saan na ba tayo hahantong.

Sex video? So? Hindi tayo ang magre-react d’yan kundi ang mga involded lang. ‘Yung dalawang taong kinunan. ‘Yung maaapektuhan—gaya ng programa na sumasalang si Wally, pati na kung isa ngang EB babe ‘yung nandoon. Sila ang magso-solve niyon at hahanap ng solusyon sa kung sinuman ang nakialam kung video nga nila ‘yun.

Ibang video ang inaabangan nating makita. ‘Yung maka-capture ng inihahandang CCTV, ‘di ba?

Aksiyonan na ‘yan at huwag ng pakialaman ang aksiyon sa kama ng mga ginagamit na pambura sa tunay na isyu! Kanila ‘yun, eh. Sila ‘yun, eh.

Tayo, ang nasaang daan na ba? Huwag tayong magpaligaw ng daan!

Pilar Mateo

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top