Saturday , September 26 2020
Breaking News
You are here: Home / News / 10-anyos nene pinasukan ng talong sa ari

10-anyos nene pinasukan ng talong sa ari

CEBU CITY – Nasagip ng mga awtoridad ang 10-anyos batang babae sa cybersex sa Brgy. Basak, Lapu-Lapu City, Cebu.

Arestado ang dalawang babae na gumamit sa biktima sa cybersex business, na ang isa ay tiyahin pa mismo ng dalagita.

Ayon sa pamumuan ng Women and Children’s Protection Desk ng Basak Police station, isinama ang biktima ng kanyang tiyahin sa kanilang bahay.

Doon nangyari ang pang-aabuso na pinag-hubad ang biktima sa harap ng computer at pinaglaruan ang ari gamit ang talong.

Sinasabing pinangakuan pa ang biktima na bibigyan ng burger ngunit hindi natupad at pinauwi lang siya sa kanilang bahay.

Agad nagsumbong ang dalagita sa kanyang lola kaya nai-report sa mga awtoridad at nadakip ang mga suspek.

Narekober ng mga awtoridad sa kustodiya ng mga suspek ang computer monitor with CPU, laptop, sex gadgets at ang ginamit na talong.

Nasa pangangalaga na ng Basak Police Station ang dalawa at nakatakdang sampahan ng mga kaukulang kaso. (HNT)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top