Saturday , September 26 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Criminology student utas sa tandem

Criminology student utas sa tandem

LAGUNA – Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa JP Rizal Hospital ang graduating criminology student matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa pinagsisilbihang Total gasoline station sa Brgy. Bucal, lungsod ng Calamba kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Bernard Rabino y Arguilles, 24, residente ng Brgy. Bambang, Los Banos, Laguna, working student ng Laguna State Polytechnic University (LSPU) sa nasabing bayan.

Sa imbestigasyon, dakong 6:35 p.m. habang nagtatrabaho ang biktima bilang gasoline attendant nang biglang sumulpot ang mga suspek na lulan ng motorsiklo at siya ay pinagbabaril.

Hinala ng pulisya, posibleng nakaalitan ng biktima ang mga salarin.           (BOY PALATINO)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top