Tuesday , September 22 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Below sea level na ang career!

Below sea level na ang career!

MAYBE this chinky-eyed character actor got carried away with the minor success that he’d been able to experience sometime last year when he became quite a sensation in the movies and television as well.

Naging busy talaga siya kahit sa entablado at naging flavor of the season sa  indie films.

Ang naging malaking setback talaga niya ay ang kanyang pagiging babaero.

Some three years ago, nagulat na lang kami nang mapunta sa isang condo/hotel dahil who would be there but this actor and his girlfriend at the moment who was a member of an all-girl dance group that is not as feverishly pursued in the business of late as before.

Anyway, nairita na siguro kanyang gay manager kaya hinayaan na lang siya sa kanyang trip (chick hunting churva. Hahahahahahahahaha!) kaya sa ngayo’y Lou Bonnevie ang kanyang showbiz career.

Hahahahahahahahahahahaha!

Kaya as you guys must have noticed, he is not that visible anymore in the movies or on television as well. Suffice to say, madalang pa sa patak ng ulan ang kanyang projects sa ngayon dahil pinabayaan na nga siya ng kanyang manager at ibinigay ang kanyang hilig.

Ibinigay ang kanyang hilig daw, o! Hahahahahahahahaha!

Ang tanong, who’s sorry now?

By and large, he’s not being talked about in the industry at the moment and his career appears to have become dull and vapid. Hahahahahahahahaha!

Kebs, say ng kanyang vaklung na manager. Hahahahahahahahaha!

Pasalamat nga siya’t binigyan siya ng break kahit na hindi naman kagwapohan at kadakuan (‘di raw kagwapohan at kadakuan, o! Hahahahahahahaha).

‘Yun na!

Anyhow, it’s never too late to make amends. Amu-amuin lang niyang muli ang iritada niyang mama and he’s more than willing, I believe, to give him projects that would highlight his acting virtuosity once again.

GRETCHEN FULIDO’S TERRIFIC PR!

When you speak of affability and good PR, there is no doubt that TV Patrol’s frontliner when it comes to showbiz news, Gretchen Fulido, is the best.

Kahit saang showbiz occasion, from a distance ay lagi namin siyang inooberserbahan and she never ceases to impress us not only with her comely face but with her exceptionally good PR as well.

Kahit minsan, never namin siyang nakitang sumimangot. Kahit na nga iniintriga siya ng isang reporter

na mukhang tangkwa (mukhang tangkwa raw talaga, o! Hahahahahahahahahahaha!) sa mga yosi-kadiring columns, never siyang nagsalita nang masama.

Lagi na’y cool as a cucumber ang kanyang drama at never nag-comment ng masasama.

Totoo ka, siya na nga ang one of most pleasant personalities in the field of showbiz reporting.

Kumbaga, the girl with the perennial close-up smile. Hahahahahahahahahahahaha!

Love u, Gretch! You’re the best!

NORA AUNOR,

PINAKABAGONG KLIYENTE

NI ATTY. FERDINAND TOPACIO!

Speechless at wala na talaga kaming masabi sa scalding popularity sa ngayon ng celebrity lawyer na si Atty. Ferdinand Topacio. Imagine, bukod kay Ms. Claudine Barretto, pinakabagong kliyente na pala sa ngayon ng de kampanilyang abogado ang superstar na si Ms. Nora Aunor.

Laban ka? Hahahahahahahahahaha!

Wala na talaga kaming ma-say sa pagiging in sa ngayon ng newsmaker din on the side na abogado.

Ipahahawak daw kay Atty. Topacio ang kaso tungkol sa ginawang facelifting ng mga Japanese surgeons kay Ate Guy na nakaapekto sa kanyang golden voice a couple of years ago.

Mantakin mong up to this writing, the actress just can’t sing the way she used to?

Something went wrong daw kasi nang butasan ang kanyang lalamunan ng mga doktor.

Oh, well, trust the seasoned lawyer to help the super actress when it comes to cases such as this.

Kay Atty. Topacio pa rin, na-invite niya kami nina Peter L. at Papa Abs sa kanyang gig last night sa Society Lounge Makati na pag-aari pala ng utol ni David Celdran, the good looking TV personality who’s now into globe-trotting hosting chore.

Fabulous!

SHOWBIZ INSIDE REPORT,

UNKABOGABLE!

Cool na cool lang ang mga hosts ng top-rating na Showbiz Inside Report dahil deep inside, they know pretty well that their show is doing a lot well and is the showbiz oriented talk show to watch on a Saturday afternoon.

Napaka-authoritative naman kasi nina Ms. Janice de Belen, Ms. Carmina Villaroel, Tsong Joey Marquez at Pareng Ogie Diaz, not to mention the fact that they know how to tickle their televiewers with the right amount of humor.

Tulad nang madalas namin isulat, balance programming ang dulot ng quartet dahil napaka-complimentary ng kanilang mga personalidad.

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at pete_ampolo- [email protected] and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

Pete Ampoloquio, Jr.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top