Thursday , November 13 2025

Rice crisis iimbestigahan

090513_FRONT
SISIMULAN na ng Kongreso na busisiiin ang unay na sitwasyon ng suplay ng  bigas sa bansa matapos sumambulat kamakailan ang sinabing malawakang korupsyon sa Department of Agriculture (DA) at ang  importasyon ng “overpriced” na bigas ng National Food Authority (NFA).

Pormal na inihain kahapon ni  ABAKADA-Guro partylist Rep. Jonathan dela Cruz, ang isang resolusyon na naglalayong ungkatin ang kakulangang ng bigas sa bansa kasabay ng pagsirit ng presyo nito sa merkado dahil tila nililinlang umano ng DA at NFA ang taong bayan at maging ang Pangulong Aquino na napaniwala nilang bastante ang suplay ng bigas sa bansa.

Ayon kay Dela Cruz, mas lalo pang tumindi ang pangangailangan na isagawa ang nasabing imbestigasyon matapos lumabas noong isang lingo ang isang exposé na ang pinakahuling importasyon ng NFA ng 205,700 metriko tonelada (MT) ng bigas ay “overpriced’ o may ilegal na patong na nagkakahalaga ng P457 million.

“These government agencies (DA at NFA)  have a lot of explaining to do,” ani dela Cruz.

“Una, base sa tala, ang ini-report ng NFA ay nag-import sila ng 187,000 MT, samantala lumalabas na bukod sa nasabing dami ay nagpapasok pa rin pala ang NFA ng karagdagang 18,700MT nang walang kaukulang pahintulot o “prior approval” mula sa Department of Finance; pangalawa, matapos ang isang pagsusuri sa Oryza Global Rice price index, lumalabas na overpriced ang nasabing transaksyon ng halagang P2,150 bawat MT o P457 million para sa buong transaksyon; at pangatlo, bagama’t ipinagmamayabang ng ahensiya na rice self-sufficient ang bansa, napag-alamang balak na naman nilang mag-import ng 700,000 MT ngayong darating na Nobyembre,” dagdag ng mambabatas.

Ang umano’y kwestyonableng transaksyon ng mga importasyon ng DA at NFA ay una nang ipinalabas ni Atty. Argee Guevarra noong nakaraang linggo. Ang nasabing exposé ay pinatotohanan din ng grupong “Ang Gawad Pinoy Consumers Cooperative” sa pamamagitan ng kanilang lider na si Atty. Tonike Padilla.

“Aside from these revelations by lawyers Guevarra and Padilla, news also reached my office about a certain ‘Buddy R’ acting as ‘bagman’ for the group behind these anomalous deals. We have information that 3 days before the tender, this ‘Buddy R’ met with NFA administrator Orlan Calayag, a Mr. Guerrero, Mr. Phuong, and Mr. Ngoc at a hotel in Makati, on April 1, 2 pm to cement the deal,” ayon kay dela Cruz.

“This is of huge significance to the country and to our constituents in the education sector. By Gawad Pinoy’s computations, should the November importations push through, the amount of stolen public funds could reach up to P2 billion. That’s enough to hire 437 new teachers, build 125 new classrooms, buy 6352 school desks and chairs, lay out 633 water and sanitation facilities, and procure and distribute 217,000 learning materials,” dagdag ng mambabatas.

(HATAW News Team)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

NUSTAR Online Whisky Live Manila event

NUSTAR Online nakibahagi sa Whisky Live Manila event 

DALAWANG araw ipinagdiriwang ang mga kaganapan sa Whisky Live Manila noong Oktubre 10-11, 2025, sa Shangri-La The …

PSC BSC MSU

Marawi, Umuusbong Bilang Lupain ng Pangako para sa mga Talento sa Palakasan

LUNGSOD NG MARAWI — Sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission (PSC), Bangsamoro Sports Commission (BSC), …

DSAS

DSAS balik sa Megatrade Hall ng SM Megamall

DAMHIN ang pangunahing palabas ng mga baril, kaligtasan, at responsableng pagmamay-ari sa bansa sa Nobyembre …

PNP Nartatez

Nartatez tumutok sa mga operasyon paglipas ng bagyo

MABILIS na tinutukan ni Acting Chief PNP Lt. Gen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang …

SM DICT Feat

SM Supermalls and DICT launched Digital Corners in SM Job Fairs
Empowering job seekers and SHS learners through digital upskilling

Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Henry Aguda and SM Supermalls VP for …